Thursday, May 29, 2014

NOW AND FOREVER




Hangang ngayon, kahit pinababa na ng Comelec ay nanindigan pa rin si Laguna Gov E.R. Ejercito na hindi niya iiwan ang Munisipyo.  Sa tingin ko magkakagulo na sa Laguna,  pero ang buhok ni Gov hindi magugulo..






Sa huling statement ng Malacanang,  sanay maging lesson daw sa lahat ang nangyari kay Laguna  Gov E.R. Ejercito. So next time, wala ng 2nd floor ang Munisipyo para madaling magpababa..



A new SWS Survey says that someone who is funny but ugly or unattractive is preferred by nine in 10 adult Filipinos.   Ironically,  maganda ring Alibi sa break-up ang pagiging komedyante ng bf mo,  hindi  siya seryoso sa buhay...

Fact, maraming misis ang ayaw magpataba para hindi iwan ng asawa.  Na baligtad na rin ngayon, sa Laguna para hindi iwan ng lalaki, dapat maging singlaki siya ng Munisipyo...

Good news sa 1D fans, makakabili na ng concert ticket on July 3 para sa 2nd show. Sabi ng iba, masyado raw mahal, pero sa tingin ko tama lang, may pinaggagastusan din ang boy band, mahal ang marijuana sa abroad..

  
Nuong araw  ang tingin sa mga batang nagdadamo walang direksyon. Ngayon ang mga batang nagdadamo, one direction...



Sa Divisoria, nag-surprise inspection si Sen Bam Aquino kasama si DTI Sec Domingo at ilang taga BFAD. At marami nga ang nasurprise, "Nagtatrabaho pala si Bam?"



Samantala, aalamin naman ng COMELEC kung naging campaign donor si Napoles ng mga Politiko!  At dahil madalas dinudugo, aalamin  rin nila kung  blood donor na ngayon si Napoles...

Wednesday, May 28, 2014

BLOODY FIGHT



Photo from dzmm.com.ph
Sobrang init pa rin,  kahit si Napoles, hndi na dinudugo, pawis na lumalabas...



Lumabas na ang Napoles Final List, pero duda na si Pnoy dahil sa dami ng mambabatas at cabinet members na nasangkot sa transaksiyon,  para daw ginugulo lang ni Napoles, parang may naamoy siyang hindi maganda, may vaginal bleeding na naman ba?



Para namang batang Bully na binangga ng Chinese vessel ang Vietnamese shipping boat na ikalubog nito, maagap si Pnoy, inalarma agad ang AFP, "The Boat si sinking, group yourselves into 10!



Photo from Philstar
According to Associated Press,  ang pagdalaw sa Pilipinas ni Pope Francis na naka schedule ng 2016 ay mapapaaga at  mangyayari sa January 2015, maraming pinoy ang napatingala at nagpasalamat,  "Thank you po, di  tumapat sa concert ng 1D "



Kamakailan, lumabas sa Social Media na nagpatanggal ng silicone sa dibdib si Ruffa Mae Quinto,  the next day, sinabi niyang hindi totoo at genuine ang dibdib niya, well naniniwala ako sa kanya,  totoo ang dibdib, yung katawan ang fake..


Pero kung totoo sana na nagpatanggal ng silicone si Ruffa, maraming bata ang matutuwa, biruin nyo, makikita na nila ng personal ang mukha ni Ruffa pag tumitingala..


Photo Phaccess.com
Sa Sports, Panay na ang practice ni Pacman sa Basketball, seryoso siya sa pagpasok sa PBA, excited din ang fans, first time nilang makikita si Pacman bumagsak ng hindi binibilangan...


Nang marinig rin ni Mayweather na papasok sa PBA si Manny,  naging interesado rin si Mayweather sa NBA, kaya lang wala ng bakante sa Cheerleading Squad..


Sa Las Vegas, nag-away sa Fatburger Restaurant si Floyd Mayweather at Rapper T.I.,  as usual, panalo si Mayweather, kahit ang rapper hindi mananalo sa bibig niya...






Ang sagutan ay nauwi sa Rambol kasama ang  kani-kanilang Bodyguards, ayon sa source, nagsimula ang Rambol  ng may sumigaw ng "lets get ready to  Rumble!!!!!!"


Based sa video, nagliliparan ang mga upuan at nang dumating ang mga pulis ay paalis na si Mayweather habang wala na rin si T.I.,  parang pelikula lang daw sa Pilipinas ang nangyari,  huli lagi ng dating ang pulis..



Sunday, May 25, 2014

ASIONG SALONGA or ASIONG AKSAYA?

Photo from UNTV
Sad news,  3 weather forecaster pa ng PAG-ASA ang nagbitiw para magtrabaho sa Qatar Bureau of Meteorology, in a related story, isang Pinoy naman ang hinatulan ng bitay sa Qatar dahil sa pag-spy.  Ang Pinoy ay sinasabing nawawalan  na ng PAG-ASA, habang ang PAG-ASA ay nawawalan na ng Pinoy..

Photo from Dzmm.com.ph
Almost P10-M daw ang ginastos ng pamahalaan sa pagbisita ni Pres. Obama?  Wow! Kung ibinahagi nyo yan sa mga tao maraming Pinoy ang sasaya. Naisip nyo ba ang pinoproblema ngayon ng mga estudyante?  Maka-afford ng ticket sa One Direction concert...

Photo Inquirer.net
Sa speech ni Indonesian Pres Yudhoyono sa Malacanang  ay parang pinasaringan daw ang China, sabi nito, "anumang problema o tensyon ay hindi dapat resolbahin sa dahas kundi sa mapayapang pag-uusap" pero tingin ko hindi lang China ang pinariringgan,  pati ang mga bida sa The Legal Wife na pag nagkikita giyera gusto...


Photo from Dzmm.com.ph
Last friday, inamin ni Dr Domingo na kaya dinugo si Napoles ay may possibility na nakipag-sex ito!  Ibig sabihin, kahit naka-bulletproof vest na,  napuputukan pa!

Inquirer File Photo
 Hinimok naman ni CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga Katoliko na magdasal ng karagdagang rosaryo para sa pagbabago ng mga sangkot sa ‘pork’ scam,  tumalima naman ang mga Bishops, kinuha ang mga Rosaryo nila sa kanilang mga luxyury cars at nagdasal..
Photo from Dzmm.com.ph
 Grabe na nga ang init, may rotating brownout pa! Hindi ko alam kung ano  epekto nito sa ekonomiya, pero kanina napadaan ako sa SOGO HOTEL, yung girl sa signage panay na rin ang paypay ...



Sa Roxas City, dalawang estudyante naman ang nahuling nagse-sex sa loob ng sinehan sa last full show,  nalaman ng guard na estudyante ang nagse-sex ng tumayo ang mga ito sa pambansang awit ng pilipinas..


Habang umaawit ng Lupang Hinirang, nakalagay ang kamay ng babae sa kaliwang dibdib,  at ang kamay ng lalaki sa kanang dibdib ng babae..




Photo from Pep.ph
Good news,  nagkaayos na si Claudine  and Tulfo Bros at kitang kita ito sa Instagram kasama niya si Raffy! Nang tanungin ang tao tungkol sa picture iisa ang sagot nila, "halatang matapang si Idol, brusko, siga, palamura, barumbado at kinatatakutan ng mga lalaki!"  nang tanungin naman sila tungkol kay Raffy, "maginoo" sagot lang nila...

Wednesday, May 21, 2014

BIGYAN NG jANET YAN!








Matindi na ang init, sobra, kanina nakita ko ang matatanda, ayaw ng tumanggap ng jacket kay Willie..



Speaking of Willie Revillame,  inamin niya sa Startalk na siguradong babalik siya, hindi lang nilinaw kung sa TV o sa casino....







Pinalayas naman ni Freddie Aguilar ang anak niyang si Maegan dahil sa gulay na nabulok sa loob ng Ref?   tingin ko naipon na lang ang inis ni Freddie,  may mas malalim pang dahilan, like yung lagi silang naguunahan mag-ama sa shampoo..


May fault din si Maegan, magagalit talaga si Ka-Freddie sa mga bulok na gulay, alam naman niyang mahilig ang ama sa sariwang pechay eh..  





Icon na si Freddie Aguilar, walang tatalo lalo na sa galing sa gitara,  anong chord ang favorite niya?  kahit ano,  basta may minor..





Last January,  inamin ni Kris Aquino kay Boy Abunda na wala na siyang sex. kaya payo ng sult.com, ang hindi mo na ginagamit, ibenta mo na!







Sa Thailand, nagdeklara na ng Martial Law ang Militar at   Bantay sarado sila sa lahat ng TV Stations, naninigurado sila,  baka after Martial Law lumitaw ang isa pang Kris Aquino..




From Philippine Daily Inquirer, 34 personalities pa ang nadagdag na sangkot sa Napoles List!  As expected,   umiling lang lahat!  Siguro kinakabahan na rin ngayon si GMA,  hindi pa niya kayang umiling...


Sunday, May 18, 2014

PALUWAGAN NG UTAK





 "Bakla ka!" - ito ang sigaw ni Sen Miriam Defensor kay Ping Lacson last week sa pagkakadawit ng pangalan niya sa Napoles List, and in fairness kay Ping, hindi ito nagalit at sumigaw kay Miriam, ito ang maganda kay Ping, hindi nagtataas ng boses,  kilay lang...









"Baliw ka"- ito lang ang nasabi ni Ping kay Miriam,  na alam nating tinawanan lang ni Miriam, habang nag iisa sa office kausap ang mga books nya..








 Ayon sa PAG-ASA,  mas matinding init ang mararanasan next week, kaya asahan na natin ang matinding epekto nito, mas maiigsing shorts sa mga hosts ng SHOWTIME...




Isang Ginang ang nagrereact sa napapanood niya tuwing tanghali,  ayaw  daw niya ng Kabaliwan at Kabaklaan.  Misis, hindi ka naman pinipilit kung ayaw mong manood sa Senado...






Payo ng PAG-ASA, umiwas muna sa maiinit na lugar at baka atakehin ng heat stroke, umiwas din pumasok sa Elevator at baka atakehin naman ng sister ni Beyonce ..




 

Sa Surigao Del Sur, hinatulan ng Ombudsman si Ex-Mayor Pantaleon Jr dahil  nagluklok ng isang taong hindi qualified bilang opisyal ng Local Civil Registrar.  Mali nga naman, nakaupo kahit hindi qualified,  ano siya Senador ?






 

Kabi-Kabila na naman daw ang hukay sa Metro Manila,  parang "Be Careful With My Heart " lang ng ABS-CBN ang peg,  ang tagal tagal matapos, wala naman magandang nangyayari...
  
  




Good news is may chance para matapos agad ang buhay ng  Be Careful With My Heart,  sa TV5 natin ipalabas..





Traffic update,  aabutin daw ng 2 months ang road repair sa Espana Sampaloc, Manila,  2  Months na paghihintay or singhaba lang ng biyahe kung papunta kang Quiapo galling Mabuhay Rotunda  during rush hour...

 Update pa rin,  mula naman sa maluwag na daloy ay naging masikip at inaasahang luluwag din ang daanan,  report ito habang nagpa vagina tightening si Ai-Ai de las Alas..


  




After magpa Vagina Tightening ni AI-AI, marami ang nagtaas ng kilay, pero  marami ding Amiga niya  ang nag-alala at nagtanong, "Puwede pa ba siya ngayong isali sa paluwagan?"

Tuesday, May 13, 2014

LET IT GO






Nakaka-awa ang mga Pawikan na hinuli ng mga Chinese fishermen last week sa Hasa-Hasa Shoal! Ang mga buhay na Pawikan ay hinagis agad sa dagat para magkasama-sama at mabuo ang pamilya, pwede bang ganito na rin ang gawin natin sa Barreto Sisters...








A recent study says that, more people choose coffee over sex,  in a related story, mas marami naman daw lalaki ang isinasabay ang gatas habang nakikipagtalik...






 Sobrang init dito sa Fairview, kanina nadaanan ko yung Riding-in-Tandem  na suspect sa shooting spree,  watergun na ang ginagamit...







Mainit din ngayon sa Senado dahil ayaw pa ring ikanta ni Leila De Lima ang mga pangalan sa Napoles List, sa sobrang init nga, napapakanta na lang si  Jinggoy ng "Let it go!"







Naikumpara na ni Pres Aquino ang 3 Napoles List at ayon sa kanya ay hindi nagta-tally ang mga pangalan, Ngayon, para malaman naman natin kung sino ang may mas malaking kinita, hayaan nating si Kris ang magkumpara..







Napanood nyo ba sa TV Patrol ang baby na nilagyan ng tape sa bibig ng isang nurse sa Cebu?  Marami ang nagalit sa nurse at sumigaw ng "bakit hindi mo gawin kay Kris  Aquino yan?"







Sa report ni Cheryl Cosim sa Aksyon, kinupkop daw ni Archbishop Emeritus Oscar Cruz si Deniece Cornejo bago sumuko,  ngayon klaro na, kaya pala pumayat si Deniece, Otsa na lang kinakain...









Wednesday, May 7, 2014

THE AMAZING KRIS AQUINO






Maraming napa-Omigosh ng ikumpara ni Kris ang kita ng Amazing Spiderman  at My little bossing sa actor na si Andrew Garfield.  Good news is, hindi singer ang kausap niya, kung nagkataon, mga Nota ang maikukumpara...


Ipinagyabang din ni Kris na siya ang Oprah Winfrey ng Pilipinas,  to which Jamie Foxx replied,  "ganyan na ba kataba si Ophrah?"  (oo,  napa-tagalog talaga!)"


Marami daw kinilig ng mag-tweet si Kris ng Initials ng kanyang bagong suitor na  A.G.!  According to her close friend, ang totoong intials ay I.F.  or Imaginary Friend...


Tingin ng mga kritiko ay bulag ang manliligaw ni Kris ngayon, pero in fairness, kailangan bang bulag ba pag kasama mo si Kris?  Hello Kris Aquino yan,  hindi ba puwedeng bingi lang..


Sa pagsuko ni Deniece Cornejo last Monday, simple lang siya, walang make-up,  hindi makabasag pinggan, igagalang mo, ganung ganon lang nung nabugbog si vhong...


Sabi ng isang fan, Hindi na siya ang dating Magandang Deniece, at dahil nakakulong na, hindi na rin daw siya freelance model..


Report from DZMM, isang matandang babae  na nagpa-kilalang Lola ni Deniece ang lumapit at sumigaw kay Vhong sa labas after ng hearing, kung totoo ito, suwerte ni Vhong, at least hindi nagpakilalang rape victim na naman...


Sobrang init pa rin!   Pero last Monday, bahagyang lumakas ang hangin sa Senado, nung sabay sabay na walang tigil sa pag iling ang 3 Senador tungkol sa on-line resignation call...


According to LTFRB, napapadalas talaga ang disgrasya sa mga Bus, maiiwasan sana ang disgrasya kung matututo tayo,  seatbelt o kaya tularan natin ang mga senador, matinding kapit lang sa puwesto...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...