Sunday, May 25, 2014

ASIONG SALONGA or ASIONG AKSAYA?

Photo from UNTV
Sad news,  3 weather forecaster pa ng PAG-ASA ang nagbitiw para magtrabaho sa Qatar Bureau of Meteorology, in a related story, isang Pinoy naman ang hinatulan ng bitay sa Qatar dahil sa pag-spy.  Ang Pinoy ay sinasabing nawawalan  na ng PAG-ASA, habang ang PAG-ASA ay nawawalan na ng Pinoy..

Photo from Dzmm.com.ph
Almost P10-M daw ang ginastos ng pamahalaan sa pagbisita ni Pres. Obama?  Wow! Kung ibinahagi nyo yan sa mga tao maraming Pinoy ang sasaya. Naisip nyo ba ang pinoproblema ngayon ng mga estudyante?  Maka-afford ng ticket sa One Direction concert...

Photo Inquirer.net
Sa speech ni Indonesian Pres Yudhoyono sa Malacanang  ay parang pinasaringan daw ang China, sabi nito, "anumang problema o tensyon ay hindi dapat resolbahin sa dahas kundi sa mapayapang pag-uusap" pero tingin ko hindi lang China ang pinariringgan,  pati ang mga bida sa The Legal Wife na pag nagkikita giyera gusto...


Photo from Dzmm.com.ph
Last friday, inamin ni Dr Domingo na kaya dinugo si Napoles ay may possibility na nakipag-sex ito!  Ibig sabihin, kahit naka-bulletproof vest na,  napuputukan pa!

Inquirer File Photo
 Hinimok naman ni CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga Katoliko na magdasal ng karagdagang rosaryo para sa pagbabago ng mga sangkot sa ‘pork’ scam,  tumalima naman ang mga Bishops, kinuha ang mga Rosaryo nila sa kanilang mga luxyury cars at nagdasal..
Photo from Dzmm.com.ph
 Grabe na nga ang init, may rotating brownout pa! Hindi ko alam kung ano  epekto nito sa ekonomiya, pero kanina napadaan ako sa SOGO HOTEL, yung girl sa signage panay na rin ang paypay ...



Sa Roxas City, dalawang estudyante naman ang nahuling nagse-sex sa loob ng sinehan sa last full show,  nalaman ng guard na estudyante ang nagse-sex ng tumayo ang mga ito sa pambansang awit ng pilipinas..


Habang umaawit ng Lupang Hinirang, nakalagay ang kamay ng babae sa kaliwang dibdib,  at ang kamay ng lalaki sa kanang dibdib ng babae..




Photo from Pep.ph
Good news,  nagkaayos na si Claudine  and Tulfo Bros at kitang kita ito sa Instagram kasama niya si Raffy! Nang tanungin ang tao tungkol sa picture iisa ang sagot nila, "halatang matapang si Idol, brusko, siga, palamura, barumbado at kinatatakutan ng mga lalaki!"  nang tanungin naman sila tungkol kay Raffy, "maginoo" sagot lang nila...

15 comments:

  1. i just heard from my mom and my sister who watched Filipino channel here religiously about the 1D ticket price.....#unbelievable #crazy. but i bet you, it will be a sold out show....like anywhere in the world.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe tama ka Mike mukhang sold out na!

      Delete
  2. funny ehehehe. mahusay na pag dudugtong dugtong ng balita (y)

    ReplyDelete
  3. Hay... kalungkot naman na nauubos na ang ating mga weather forecaster / meteorologists dito sa ating bansa... Pa'no ba naman eh hindi sapat ang kanilang kinikita kaya nakakatukso rin talagang sa ibang bansa na lamang i-pursue ang kanilang career. Sino na ang magtataya ng ating panahon?

    Ano na bang nangyayari sa ating mga kabataan? Grabe pumila ng kaytagal at nagpamauga na nga ang ilan para lang sa ticket ng One Direction concert?!!! Bakit?!!! Pero yung mga projects at thesis sa eskwela hindi man lang mapagpuyatan. Nakakaasar hahaha.

    Ano ba Napoles? hahaha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Jep wala yata talacagang panahon sa problema ng forecaster natin ang pamahalaan..
      Kahit itinanggi na ni Napoles kung totoo man ng sex issue ayos lang, tao lang sya...hehehe

      Delete
  4. ang galing mo pag pagtagpi-tagpiin ang mga balita... =) nilagyan mo pa ng humor.. lab it ^,^

    ReplyDelete
  5. The Napoles Bleeding Issue..... GRABE! hahahaha! But ewwnesss!!!!! hahahaha!

    ReplyDelete
  6. nakakaloko ang mga estudyante na yan....hehehe...mayayaman... Ayos ang mga balita dito!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Paranga magdodota lang kung magtapon ng pera eh.. hahaha!

      Delete
  7. Yung mga lintik na kabataan ngayon na umiiyak dahil lang sa ticket ng OD. What da hell.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lolz lupasay kung lupasay sila hahaha! salamat sa pagdaan June!

      Delete
  8. Yan ang hirap sa gobyerno natin, hindi nila sinusuportahan ang mga taong tapat at handang maglingkod para sa bayan. Tapos mag-e-emote emote sila pag nilayasan sila ng mga tauhan nila dahil sa kakulangan ng tamang benepisyo. Kasalanan nila yan. Malamang yung pondong para sa mga ahensya ng pamahalaan (tulad ng sa PAG-ASA) ay naibulsa na ng mga buwaya sa gobyerno. What else is new? lol

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...