Wednesday, May 28, 2014

BLOODY FIGHT



Photo from dzmm.com.ph
Sobrang init pa rin,  kahit si Napoles, hndi na dinudugo, pawis na lumalabas...



Lumabas na ang Napoles Final List, pero duda na si Pnoy dahil sa dami ng mambabatas at cabinet members na nasangkot sa transaksiyon,  para daw ginugulo lang ni Napoles, parang may naamoy siyang hindi maganda, may vaginal bleeding na naman ba?



Para namang batang Bully na binangga ng Chinese vessel ang Vietnamese shipping boat na ikalubog nito, maagap si Pnoy, inalarma agad ang AFP, "The Boat si sinking, group yourselves into 10!



Photo from Philstar
According to Associated Press,  ang pagdalaw sa Pilipinas ni Pope Francis na naka schedule ng 2016 ay mapapaaga at  mangyayari sa January 2015, maraming pinoy ang napatingala at nagpasalamat,  "Thank you po, di  tumapat sa concert ng 1D "



Kamakailan, lumabas sa Social Media na nagpatanggal ng silicone sa dibdib si Ruffa Mae Quinto,  the next day, sinabi niyang hindi totoo at genuine ang dibdib niya, well naniniwala ako sa kanya,  totoo ang dibdib, yung katawan ang fake..


Pero kung totoo sana na nagpatanggal ng silicone si Ruffa, maraming bata ang matutuwa, biruin nyo, makikita na nila ng personal ang mukha ni Ruffa pag tumitingala..


Photo Phaccess.com
Sa Sports, Panay na ang practice ni Pacman sa Basketball, seryoso siya sa pagpasok sa PBA, excited din ang fans, first time nilang makikita si Pacman bumagsak ng hindi binibilangan...


Nang marinig rin ni Mayweather na papasok sa PBA si Manny,  naging interesado rin si Mayweather sa NBA, kaya lang wala ng bakante sa Cheerleading Squad..


Sa Las Vegas, nag-away sa Fatburger Restaurant si Floyd Mayweather at Rapper T.I.,  as usual, panalo si Mayweather, kahit ang rapper hindi mananalo sa bibig niya...






Ang sagutan ay nauwi sa Rambol kasama ang  kani-kanilang Bodyguards, ayon sa source, nagsimula ang Rambol  ng may sumigaw ng "lets get ready to  Rumble!!!!!!"


Based sa video, nagliliparan ang mga upuan at nang dumating ang mga pulis ay paalis na si Mayweather habang wala na rin si T.I.,  parang pelikula lang daw sa Pilipinas ang nangyari,  huli lagi ng dating ang pulis..



9 comments:

  1. tsss sa totoo lang kapag ang kwento eh kay napoles ayaw ko makinig.

    pinapakita pa lang ang image nya nagkakaaltapresyon na ako lolz

    ReplyDelete
  2. Hahaha Rix kalma lang! Malay mo makasalubong mo siya sa mga adventures mo! Lolz

    ReplyDelete
  3. Sa totoo lng, I love the Chinese Culture but not the people who run it's government. Grabe lng sa pagkaswapang tong mga intsik na ito. Sige angkinin na nila lahat lol

    Palibahasa ubos na ang natural resources sa mainland China. Polluted na rin ang bansa nila. Kaya nga pati mga sarili nilang mga kababayan gumagawa na ng kung anik anik na "fake products". Biruin mo, nakagawa sila ng fake na itlog at fake na karne? wtf!

    Kapal ng apog nilang labagin ang Law of the sea -_-

    ReplyDelete
    Replies
    1. fake na itlog at karne? really?

      Ang dami kasi nila eh over over populated na sila kaya ubos talaga ang natural resources nila

      Delete
    2. Yup. Masyurado kasing maexperimento ang Chinese lalo na sa food kahit ikasira ng kalikasan.. di sila makuntento ng nakukuha lang sa natural na puno.. basta laki kita pasok ng pasok...

      Delete
  4. Buti pa ang mga Vietnamese, kahit third world sila matatapang nilang ipinagtatanggol ang lupa nila. Eh tayo??? Puro salita, puro reklamo lang sa mga international ek ek wala naman nangyayari ganun pa din. Hindi man lang tayo makalaban.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha oo nga. Tama ka Nomad. Kaya rin siguro mas marami ang talkshows sa Pinas kaysa sa Vietnam.. (meron ba?) salamat sa comment!

      Delete
  5. hahaha ang galing... lurv it ^^..

    I want more of our news.. kakaadik basahin eh ^^

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...