Thursday, May 1, 2014

LABOR DAY





Summer na talaga!   At sobra init, nakita ko ang sumisigaw kanina sa Labor Day rally,  na sunburn na ang dila..


Napanood nyo ba ang sangkaterbang nag audition sa Pinoy Big Brother?  Alam nyo bang hindi lang pera ang habol ng lahat na gustong pumasok sa Bahay ni Kuya? Sobrang init lang daw talaga sa labas!


Sa pagdating ni US Pres Barrack Obama last Monday, tumigil ang traffic sa Manila, hindi dahil kay Barrack, ordinary scenario lang yon sa Manila..


Marami ang nagdadasal ng mga oras na yon, sana kilala rin ni Obama si Vice Pres Binay, dahil kung hindi ay magtataka si Obama, bakit kinakamayan siya ng anino niya...?


Pangkat Kawayan  ang nag-perform sa Malacanang para ipagmalaki ng pamahalaan ang mga Kawayan gamit sa orchestra, and at the same time,  para ipagyabang na rin siguro ang modernong gamit  pang giyera against china...


Tiniyak naman ng pamahalaang Aquino na hindi madidisgrasya si Obama, siniguro nilang hindi sasakay ng kahit anong Bus Liner si Obama...


Nabalitaan nyo rin ba na Pinatawan ng suspension ng Wack-Wack Gold and Country Club si Sec Mar Roxas dahil sa paninigaw sa isang staff? Dagdag pa nila, "wala ka sa Palengke!"


Sources say,  stable na si Napoles after magpatanggal ng Ovary and Matres, for safety reason, bantayan na lang siguro kung may iba pang body parts na ipatatanggal si Napoles,  baka magulat tayo unti unti na pa lang tumatakas yan..


Hanggan ngayon, nagtatago pa rin daw si Deniece Cornejo,   malakas ang loob ni Denice dahil kahit wala siyang trabaho hindi siya magugutom, kaya niyang magpadeliver ng foods anytime... 

1 comment:

  1. geee... tumbling ako sa blita about Napoles na unti unting tumatakas... hahaha iba ka, ang kyut mo hahaha tawa much more and more^,^

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...