Tuesday, May 13, 2014

LET IT GO






Nakaka-awa ang mga Pawikan na hinuli ng mga Chinese fishermen last week sa Hasa-Hasa Shoal! Ang mga buhay na Pawikan ay hinagis agad sa dagat para magkasama-sama at mabuo ang pamilya, pwede bang ganito na rin ang gawin natin sa Barreto Sisters...








A recent study says that, more people choose coffee over sex,  in a related story, mas marami naman daw lalaki ang isinasabay ang gatas habang nakikipagtalik...






 Sobrang init dito sa Fairview, kanina nadaanan ko yung Riding-in-Tandem  na suspect sa shooting spree,  watergun na ang ginagamit...







Mainit din ngayon sa Senado dahil ayaw pa ring ikanta ni Leila De Lima ang mga pangalan sa Napoles List, sa sobrang init nga, napapakanta na lang si  Jinggoy ng "Let it go!"







Naikumpara na ni Pres Aquino ang 3 Napoles List at ayon sa kanya ay hindi nagta-tally ang mga pangalan, Ngayon, para malaman naman natin kung sino ang may mas malaking kinita, hayaan nating si Kris ang magkumpara..







Napanood nyo ba sa TV Patrol ang baby na nilagyan ng tape sa bibig ng isang nurse sa Cebu?  Marami ang nagalit sa nurse at sumigaw ng "bakit hindi mo gawin kay Kris  Aquino yan?"







Sa report ni Cheryl Cosim sa Aksyon, kinupkop daw ni Archbishop Emeritus Oscar Cruz si Deniece Cornejo bago sumuko,  ngayon klaro na, kaya pala pumayat si Deniece, Otsa na lang kinakain...









9 comments:

  1. Hahahahaha tawang tawa nanaman ako. Pero kawawa naman yung baby na linagyan ng tape.. watda hell.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup bro walang kalaban laban ang baby sa nurse... sana lang maturuan ng leksyon...

      Delete
  2. Hahaha :) Mukha na bang 'pawikan' ang mga Barreto sisters? :)
    Ewan ko nga ba kung bakit nababalita pa ang kanilang away mag-anak, buti sana kung ikauunlad ito ng bansa at ikatitigil ng Tsina sa pangangamkam ng teritoryo hehe :)

    Nakakahiya at nakakabuwisit yang mga pulitiko na dawit sa kaso ni Napoles... grabe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe JEP, pareho na nga yata talaga mga Senador & Barreto sisters, sila sila nagbabatuhan ng putik... tsk tsk tsk...

      Delete
  3. Hindi ko kinaya yun kay arch. oscar cruz!!!!

    ReplyDelete
  4. salamat sa pagdaan Diane.. hehehe

    ReplyDelete
  5. tawa much sa riding in tandem na gumamit na ng watergun.. rofl..

    haha

    ReplyDelete
  6. this may be out of topic pero thanks for following sir!

    Nice to see emerging bloggers like you. Hope to see your blog as one of a prominent blog in the sphere.

    ReplyDelete
  7. salamat din Rix sa pag flollow and sa motivation...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...