Thursday, May 29, 2014

NOW AND FOREVER




Hangang ngayon, kahit pinababa na ng Comelec ay nanindigan pa rin si Laguna Gov E.R. Ejercito na hindi niya iiwan ang Munisipyo.  Sa tingin ko magkakagulo na sa Laguna,  pero ang buhok ni Gov hindi magugulo..






Sa huling statement ng Malacanang,  sanay maging lesson daw sa lahat ang nangyari kay Laguna  Gov E.R. Ejercito. So next time, wala ng 2nd floor ang Munisipyo para madaling magpababa..



A new SWS Survey says that someone who is funny but ugly or unattractive is preferred by nine in 10 adult Filipinos.   Ironically,  maganda ring Alibi sa break-up ang pagiging komedyante ng bf mo,  hindi  siya seryoso sa buhay...

Fact, maraming misis ang ayaw magpataba para hindi iwan ng asawa.  Na baligtad na rin ngayon, sa Laguna para hindi iwan ng lalaki, dapat maging singlaki siya ng Munisipyo...

Good news sa 1D fans, makakabili na ng concert ticket on July 3 para sa 2nd show. Sabi ng iba, masyado raw mahal, pero sa tingin ko tama lang, may pinaggagastusan din ang boy band, mahal ang marijuana sa abroad..

  
Nuong araw  ang tingin sa mga batang nagdadamo walang direksyon. Ngayon ang mga batang nagdadamo, one direction...



Sa Divisoria, nag-surprise inspection si Sen Bam Aquino kasama si DTI Sec Domingo at ilang taga BFAD. At marami nga ang nasurprise, "Nagtatrabaho pala si Bam?"



Samantala, aalamin naman ng COMELEC kung naging campaign donor si Napoles ng mga Politiko!  At dahil madalas dinudugo, aalamin  rin nila kung  blood donor na ngayon si Napoles...

11 comments:

  1. ER- Sabi niya lalaban daw siya legally eh bat ganyan? Wala talaga ako tiwala sa mga Estrada.

    1D- I don't care. Haha!

    Bam- Infairness sa tina-trabaho niyang bill ngayon about sa Public Service act of 1936. Lahat tayo suportado yan for sure at siya lang nagka lakas ng loob ah.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dami kong tawa sa I don't care haha !
      Panalo yang Public Act aof 1936 ni Bam pag natuloy!

      Delete
    2. Sana nga matuloy. Hindi naman siya unconstitutional eh kaya pwede yan magkaka keme lang kung aapela ang mga telcoms

      Delete
  2. haha, syempre unli ang supply ni Gov ER ng hair gel kaya di talaga magugulo ang kanyang buhok XD

    Haay naku, sana igalang na lang niya decision ng supreme court. Baba baba din pag may time. Let it go, let it gooo!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Unli talaga haha! Pero salamat at sinundo na siya ni Erap, dalawaa tuloy silang bumaba... tnx!

      Delete
  3. tawa much, pero parang nandiri lang ako sa last news mo, blood donor si Napoles? like eiiwwww.... kadiri masasalinan nya ng dugo, pramis ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. lolz Rovee kadiri talaga pang nangyari, Ano kayang Bllood type?

      Delete
  4. di na masyadong nakakanood ng balita, kakasawa na kase..paulit-ulit, naiiba lang ang 'bida' magkaminsan. :P btw, salamat sa follow, followed you back. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo yan PInay paikot ikot na lang ang issue! , Tnx din sa pag daan at pag follow!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...