Sunday, May 18, 2014

PALUWAGAN NG UTAK





 "Bakla ka!" - ito ang sigaw ni Sen Miriam Defensor kay Ping Lacson last week sa pagkakadawit ng pangalan niya sa Napoles List, and in fairness kay Ping, hindi ito nagalit at sumigaw kay Miriam, ito ang maganda kay Ping, hindi nagtataas ng boses,  kilay lang...









"Baliw ka"- ito lang ang nasabi ni Ping kay Miriam,  na alam nating tinawanan lang ni Miriam, habang nag iisa sa office kausap ang mga books nya..








 Ayon sa PAG-ASA,  mas matinding init ang mararanasan next week, kaya asahan na natin ang matinding epekto nito, mas maiigsing shorts sa mga hosts ng SHOWTIME...




Isang Ginang ang nagrereact sa napapanood niya tuwing tanghali,  ayaw  daw niya ng Kabaliwan at Kabaklaan.  Misis, hindi ka naman pinipilit kung ayaw mong manood sa Senado...






Payo ng PAG-ASA, umiwas muna sa maiinit na lugar at baka atakehin ng heat stroke, umiwas din pumasok sa Elevator at baka atakehin naman ng sister ni Beyonce ..




 

Sa Surigao Del Sur, hinatulan ng Ombudsman si Ex-Mayor Pantaleon Jr dahil  nagluklok ng isang taong hindi qualified bilang opisyal ng Local Civil Registrar.  Mali nga naman, nakaupo kahit hindi qualified,  ano siya Senador ?






 

Kabi-Kabila na naman daw ang hukay sa Metro Manila,  parang "Be Careful With My Heart " lang ng ABS-CBN ang peg,  ang tagal tagal matapos, wala naman magandang nangyayari...
  
  




Good news is may chance para matapos agad ang buhay ng  Be Careful With My Heart,  sa TV5 natin ipalabas..





Traffic update,  aabutin daw ng 2 months ang road repair sa Espana Sampaloc, Manila,  2  Months na paghihintay or singhaba lang ng biyahe kung papunta kang Quiapo galling Mabuhay Rotunda  during rush hour...

 Update pa rin,  mula naman sa maluwag na daloy ay naging masikip at inaasahang luluwag din ang daanan,  report ito habang nagpa vagina tightening si Ai-Ai de las Alas..


  




After magpa Vagina Tightening ni AI-AI, marami ang nagtaas ng kilay, pero  marami ding Amiga niya  ang nag-alala at nagtanong, "Puwede pa ba siya ngayong isali sa paluwagan?"

10 comments:

  1. Hehehe ang benta ng "paluwagan"

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lolz Diane tnx sa pagcomment!

      Delete
  2. Gusto kong mag-debate sina Miriam at Ping hehe.

    Sobrang bagal na talaga ng takbo ng istorya ng 'Be Careful With My Heart'... nag-rate lang, pinatagal na lols.

    Bongga ni AI-Ai :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha jep dapat siguro pagdebatehan na rin sa senado ang katapusan ng Be Careful...

      Delete
  3. HAHAHA, pinasaya mo ang araw ko! Thanks for the follow!

    ReplyDelete
  4. Salamat din Mar sa pag follow,, daan ka ulit ...

    ReplyDelete
  5. galing bro... tawa much ako sa mga ulo ng mga balita mo, pramizz .. haha ^,^

    ReplyDelete
  6. Rovee salamat sa pag follow and pag comment! hehehe

    ReplyDelete
  7. maki haha! lang.. ang saya!

    thanks for the follow :)

    ReplyDelete
  8. hehe salamat sa pagdaan at pakikihaha...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...