Wednesday, May 7, 2014

THE AMAZING KRIS AQUINO






Maraming napa-Omigosh ng ikumpara ni Kris ang kita ng Amazing Spiderman  at My little bossing sa actor na si Andrew Garfield.  Good news is, hindi singer ang kausap niya, kung nagkataon, mga Nota ang maikukumpara...


Ipinagyabang din ni Kris na siya ang Oprah Winfrey ng Pilipinas,  to which Jamie Foxx replied,  "ganyan na ba kataba si Ophrah?"  (oo,  napa-tagalog talaga!)"


Marami daw kinilig ng mag-tweet si Kris ng Initials ng kanyang bagong suitor na  A.G.!  According to her close friend, ang totoong intials ay I.F.  or Imaginary Friend...


Tingin ng mga kritiko ay bulag ang manliligaw ni Kris ngayon, pero in fairness, kailangan bang bulag ba pag kasama mo si Kris?  Hello Kris Aquino yan,  hindi ba puwedeng bingi lang..


Sa pagsuko ni Deniece Cornejo last Monday, simple lang siya, walang make-up,  hindi makabasag pinggan, igagalang mo, ganung ganon lang nung nabugbog si vhong...


Sabi ng isang fan, Hindi na siya ang dating Magandang Deniece, at dahil nakakulong na, hindi na rin daw siya freelance model..


Report from DZMM, isang matandang babae  na nagpa-kilalang Lola ni Deniece ang lumapit at sumigaw kay Vhong sa labas after ng hearing, kung totoo ito, suwerte ni Vhong, at least hindi nagpakilalang rape victim na naman...


Sobrang init pa rin!   Pero last Monday, bahagyang lumakas ang hangin sa Senado, nung sabay sabay na walang tigil sa pag iling ang 3 Senador tungkol sa on-line resignation call...


According to LTFRB, napapadalas talaga ang disgrasya sa mga Bus, maiiwasan sana ang disgrasya kung matututo tayo,  seatbelt o kaya tularan natin ang mga senador, matinding kapit lang sa puwesto...

6 comments:

  1. Hindi ko talaga minsan ma-'gets' si Kris Aquino, nasobrahan na ata sa pagiging confident sa sarili hehehe. Anyways, marami naman daw natutunan ang mga 'aspiring interviewers' mula sa ginawa na Kris... na di dapat tularan :)

    Nakakairita na ang Senado... parang lahat naman sila ay may bahid ng 'dungis'... di na nahiya sa kanilang kapwa lalo na sa ating bansa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. re Kris totoo yan!
      re SENADO mabibilang sa daliri ng pusa ang matitino!

      Delete
  2. Likas na po talaga ang pagiging taklesa ni Kris Aquino ahaha. Nung una nakakatuwa... pero parang tumatagal, nakakinis nang pakinggan lol

    Well about Deniece, may ginawa siyang labag sa batas eh kaya dapat nyang pagbayaran ang mga nagawa nya. Ganun talaga siguro ang tao kapag nakukulong... bigla biglang nagiging maamong tupa ang image. Pero may balita raw na gusto nang bumaliktad ni Deniece at kalabanin sina Lee.... mabigat yan!

    Buti pa sa Korea, may konsensya ang mga nakaupo sa pwesto. Kapag alam nila na may nagawa silang kasalanan, sila na mismo ang kusang bababa sa katungkulan. Di tulad dito sa atin, kapal muks ng mga senador at mga nasa katungkulan. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. I think gustuhin man ni Deniece bumaligtad hindi niya kakayanin...simula pa lang para na siyang robot na may nagmamaniobra... umiiyak walang luha, nagsasalta taas kamay, malikot ang mata... hawak leeg niya bro...

      Delete
  3. Hahahahaha nakakatawa ka Sir. Updatedka masyadosa current events!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lol! likas kasi akong tsismoso siguro...

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...