Thursday, June 5, 2014

BACK TO SCHOOL










Last Monday, back to School ang 20.9M  Public School students, siksikan ang maraming bata. Ito ang advantage ng mahihirap, hindi nila alintana kahit di sila makagalaw. Nakakaawa kung mayayaman yan, paano sila maglalaro ng Flappy Bird?










Handang-handa naman ang Pamahalaan sa makabagong curriculum  ng mga students. Bago matapos ang taon, inaasahang isa  lang sa sampung bata ang babagsak sa pag-aaral,  ang siyam? babagsak sa sobrang init..









Pero kapansin pansin na napakaraming Rich Kids ang nag-transfer from Private to public  school kahit sira-sira ang bldg.  Ang laking ginahawa kasi sa mga bata, tagusan ang hangin sa mga butas ng ceiling at dingding.













According to DOJ, confirmed na may VIP Treatment ang High Profile inmate sa New Bilibid Prison na si Ricardo Camata,  ang convicted Drug Lord ay nagpagamot sa Metropolitan Hospital sa Manila kung saan may dancers pa na pinapasok sa loob?  Inaalam na rin ni Ate V kung ang mga pinapasok ay  VIP Dancers...




Based sa investigation, confirmed ng isang Nurse na Dancers ang pumasok sa Room dahil narinig pa niyang nagpaalam ang mga ito ng madaling araw at sumigaw ng "Split na kami!"




isang judgmental na nurse naman ang nagreveal na para daw maidentify ang mga pumapasok sa room ng convicted drug lord ay ayusin ang sign sa Pintuan,   Dapat  palitan na raw ang sign sa pinto na Push or Pull at ang ilagay ay TULAK or BATAK.. 






 




Pero ito pa ang malaking palaisipan,  isa rin ang Starlet na si Krista Miller sa sinasabing dumalaw sa Convicted Drug Lord sa Hospital.  malaking palaisipan pa rin sa marami kung sino si Krista Miller?









Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kay Pangulong Noynoy Aquino na harangin ang concert ng British boy band  One Direction sa 2015, parang mali kayo ng nilapitan father,  chinese nga di niya maharang,  british invasion pa..










Wala namang comment ang Pnoy Rock Icon na si Pepe Smith kung nagmamarijuana ang 1D,  Ang tanong lang niya,  nakailang hit ba ng kanta ang Boy Band at ilang Hits sa loob ng sasakyan?









Tiniyak ng pamahalaan na may nakahandang contingency plan sakaling maulit ang pangha-harass ng mga Chinese authorities sa mga Pinoy na mangingisda na magagawi sa may West Philippine Sea, at tayo lang ang may ganitong Plan,  ano ang plan? call 911!  (hello barrack?)



 





Sa  Abroad, gumawa pala ng eksena si World's No.1 Serena Williams sa isang kasalan sa Beach sa Miami, Florida. Mabuti na lang daw at walang buntot ang kasama niyang sumulpot kundi tatawagin ang eksenang Kambal Serena..









Belated Happy Birthday nga pala kay Deniece Cornejo, nagdaos siya ng kaarawan sa kulungan last June 1,  Ito ang tamang araw ng pagpapatawad at tamang araw na makapagdala ng foods sa kanya..








Dumalaw rin sa kanya ang isa pang umaming rape victim na si Roxanne Cabanero,  emosyunal silang pareho,  Ano pa nga ba ang aasahan sa dalawang umaaming nirape ng iisang lalaki,  eh di compare notes..?





7 comments:

  1. next month pa ang pasukan ko kaya naman sinusulit ko na ang mga dapat ko ienjoy bago ang sabugan ng utak this school year lolz

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aus Rix bago ma drain ang utak sa school lubusin mo na haha! Ingat !

      Delete
  2. Kawawa yung kalagayan ng mga estudyante at paaralan sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda. Ang dami pang kelangan na materyales, school and construction supplies. Ubos na ba ang mga donasyon? or napunta lang sa bulsa ng mga buwaya? tsk!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan ang naghuhumindig na katotohanan Fiel! Ang ilang tao ng pamahalaan pro-active lang pag may Media! Iwanan lang sandal nagpapahinga na!

      Delete
  3. Sobrang init talaga ngayon, at kapos sa mga electric fan ang mga classroom sa public school kaya super tagaktak ang pawis habang nagtuturo.

    Parang luma na rin naman itong mga VIP treatment sa mga bilangguan, eh talaga namang nagaganap iyan, grabe na talaga...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes Jep. actually, umaasa na lang talaga ang mga estudyante sa galling ng teachers nila. Pag nagkasakit pa ang teacher paao na?

      Ang mga bilangguan marami talagang hiwagang nangyayari at alam ng pamahalaan yan. tingin ko malapit na ang SONA kaya kailangan ng pogi points..

      Delete
  4. Hindi ko nga rin natandaan nung una si Krista Miller. Naalala ko na lang nang ibalita sa TV News na siya raw ang umanong dahilan ng hiwalayang Cesar-Sunshine. Lol.

    At ang mga hiwaga sa mga bilangguan dito sa Pinas, matagal na yan. Patuloy ang kalakaran. Kailangan ng balasahan sa mga namumuno, hindi lamang sa pinakamataas na posisyon kundi hanggang sa mga pinakamababang lider. Nasusuhulan kasi.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...