Wednesday, June 11, 2014

BAHAY ALIWAN NI KUYA








Tag-ulan na nga, malayo pa lang ramdam na ng mga tao ang lamig ng hangin, ramdam na rin ng 3 senador ang lamig ng rehas..











Photo from  8tracks.com
At pag ganitong malamig ang panahon, napakasarap matulog. Pero kung ayaw kang antukin, may payo ang Malacanang,  panoorin mo ulit ang privilege speech ni Sen Estrada..

 







Sabi ni Sen Jinggoy Estrada sa kanyang Privilege speech kanina, "Pansamantala kong babakantehin ang aking upuan nang nakataas ang noo"  Impressive?  Well, mas marami pa rin ang naniniwala sa kredibilidad ng Administration.  In fact kung magreresign din si Pnoy mas mataas ang kanyang noo...







 Singil sa Meralco bumaba, presyo ng Gasolina bumaba, unemployment rate bumaba.  Kahapon isang sasakyan ang nahulog sa Talayan Creek sa Araneta Ave. Wow, kahit ang Road accident bumaba rin..









Nabalitaan nyo ba si "Boy Boso"? Ang lalaking nahuli ng NBI dahil namboboso ng panty ng mga students gamit ang hidden cam na nasa loob ng kanyang Bag.  Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya sa panty pero ang maganda sa kanya, pag walang suot na panty ang girl hindi na niya tinutuloy...

 








Ipinatawag naman ng MTRCB ang ABS-CBN executives regarding sa nude painting challenge ni Kuya sa PBB housemates. Wait, hindi kaya si Kuya at si Boy Boso ay iisa?









 Mabuti na lang at hindi tinanggap ni housemate Jayme Jalandone  ang task na nude painting.  Kundi ay malaking problema ito sa sambahayan. Mas mapapadalas i-check ni  Ka-Freddie ang TV   kaysa i-check ang laman ng Ref..










Teka, bakit hindi na lang si Alex Gonzaga ang  maghubad sa nude painting, gustong malaman ng fans kung totoong straight siya...




6 comments:

  1. Thank you for joining and linking with Blogs Ng Pinoy! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the BLOGS OF FAME and will be featured weekly in our Facebook page;)

    For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    Thank you,
    BNP
    blogsngpinoy.com

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. lolz Probinsiyana salamat sa pagbisita! Ingat !

      Delete
  3. Replies
    1. hehe basta Pnoy taas noo kahit kanino! Tnx sa comment Kath!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...