Thursday, June 26, 2014

BAKIT LAVISH KITANG MAHAL?




Biglang buhos ang malakas na ulan kanina, nabigla ang lahat. Suwerte na lang at hindi inabot si Sen Revilla, kung nagkataon ay makakarinig tayo ng "Im singing in the rain..."
Sa sobrang lakas ng ulan,  hindi na gumalaw ang mga sasakyan sa EDSA, i think ganon yata talaga pag nabibigla ang mga driver..
Gossip experts are telling us now na may computer talaga sa Detention cell ni Sen Revilla and Jinggoy, may nakita na naman daw Mouse sa loob..



Earlier,  humarap na sa Sandiganbayan division si Senator Ramon Revilla Jr.   Revilla was in a jollier mood, talking and smiling to his family relatives. Walang kadaga-daga sa dibdib, iniwan niya sa selda para may kalaro ang isa pang Daga..

 

 In sports, Uruguay striker Luis Suarez has been suspended from all football-related activity for four months for biting Italy defender Giorgio Chiellini. Pero saludo pa rin ako kay Luis, i mean, trabaho yan, naglalaro siya para may makain..


Sa third day,  inisnab ni Sen Jinggoy and Revilla ang breakfast na Itlog at tuyo? Pang mahirap nga naman. Wait, ano ba ang mahal ngayon na puwede ipakain sa dalawa?  Isang kilong bawang...?




Finally, House or Hospital arrest for Sen Enrile. Huwag sa detention cell. Alam niyang iisnabin siya ng dalawa, lalo't tuyong itlog lang ang dala niya..


Dapat maisip din ng 2 senador na maraming walang makain ngayon. Kung ako yan ibibigay ko sa nagugutom, tulad ni Luiz Suarez ng  Uruguay.. 


Guess what - After makulong ang 2 batang senador. Dalawang Matanda naman ang inaabangan ng mga Pinoy na matuldukan sa TV,  si Sen Enrile at yung "Be careful with my heart.."





Karen Davila tweet, Erap defends grandson over "lavish lyfestyle", you know what that means, lavish na pagmamahal..

2 comments:

  1. Natawa ako. Naisingit pa ang Be Careful. Malayo pa ang ending nun. Kakasimula pa lang kasi. Yong dalawang kambal talaga ang mga tunay na bida. hehehe!

    ReplyDelete
  2. Haha ibig sabihin ngayon pa lang talaga nagsisimula ang kwento! Lolz

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...