Tuesday, June 17, 2014

HABANG MAY BUHAY


Kudos! Mukhang ang daming nangyayari ngayon sa Bansa, maraming dapat pag usapan..


Later pag uusapan natin ang isang lalaking madaling sumuko sa buhay na gumawa na ng Suicide Note na hindi matapos tapos kaya sumuko na rin at di na nagsuicide..


At ang reklamo ng isang Binata sa Baklang dating Balloon twister na nagpasikat sa Q.C. Circle,  nag-twist at nakapag-form ng dog sa pamamagitan naman ng condom,  habang nakasuot sa  binata..

Tomorrow Lunch ay  aalamin ko kung totoo ang tsismis na dahil sa sobrang taas ng Bigas ngayon ay hindi na nagbibigay ng extra rice ang Mang Inasal,  puro extra chicken na lang..

Sisilipin ko rin bukas kung totoong si Lacson ang nasa likod ng pinalutang ni Sandra Cam na sex video scandal ni De Lima.  At kung totoo ito,  sino naman ang nasa likod ni De Lima sa sex video..

Samantala, Narito muna ang ilang mahahalagang Balita...

 This is crazy,  plano ng isang kumpanya ng alak na ipangalan sa mga Pambansang Bayani ang kanilang mga produkto. Wow, kung may lasing na magwawala at may hawak na itak, alam mo na kung ano ang nainom.   Bonifacio Whiskey!



 Dapat talagang tutulan ng  National Commission on Culture and the Arts (NCCA) itong gusto ng Destileria Limtuaco. Baka maisipan ni Pnoy na bayani na rin ang ilagay sa brand ng yosi,  makita pa natin si Ninoy..

 Balak ngayon ni Sen. Bong Revilla na buhayin ang bantang maglalabas siya ng pasabog laban sa Aquino Administration at tiyak na marami daw masasangkot.  Marami ngayon ang kinakabahan kay Revilla.  Tingin nila hindi lang Presidente ang gusto niyang palitan, pati si Lolit Solis sa Startalk...







Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.  also said he’d do push-ups, read the Bible and pray to fight boredom in jail once he is arrested.  And totoo namang effective,  ganito ang ginawa ng mga nasa bahay during  privilege spee?ch niya..
Request naman ni Sen. Jingoy Estrada  na huwag ng isama ang matandang Enrile sa Kulungan. Naintindihan ko si Jinggoy. Alam niya kung gaano kaingay magpasabog ng kabag ang matatanda sa madaling araw...

Badnews, according to United Nations Population Fund Agency, tumaas ng 70 percent ang teenage pregnancy over 10 years.  On the bright side,   may 30 percent pa para kay Ka Freddie...
  


8 comments:

  1. LOL ...

    seriously, ung alak ipapangalan sa bayani? whew! that's eiww... parang degrading ata yan sa mga noble names ng mga bayani natin.. no way ..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup, Sobrang nega, Pero tingin ko marketing strategy lang ng Co. LOlz

      Delete
  2. Tutol ako sa mga alak na ipapangalan sa ating mga pambansang bayani.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung hindi bayan, ano nga kaya puwede? Lolz

      Delete
  3. Really like your joke about the unli chicken. If it was true, I'd eat everyday at Mang Inasal.

    http://kintsugioflife.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha sana nga pero may bagong news magtataas din ang manok! Tnx s comment!

      Delete
  4. grbe na tlga ang pulitika... labasan na ba ito ng burak sa katawan lols, ano na naman kaya ang isasambulat ni Bong... tsk' tsk' tsk' laglagan na ito :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha Jep tumbling talaga si Bong para maiabangon ang karangalan!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...