Friday, June 6, 2014

HULI KA BALBON







Earlier today,  tinalo ng San Antonio Spurs ang Miami Heat. Minsan pa pinatunayan ng San Antonio Players na kahit matatanda na sila ay puwede pa silang tumakbo. Dito sa Pinas puro bata ang nasa PBA,  ang matatanda sa senado na lang tumatakbo..



Sa South Cotabato, isang ex-beauty queen naman ang namatay ng mag-selfie sa Seven Falls at mabagsakan ng bato. According to local govt, may mga warning signs naman para maalarma ang lahat na delikado ang lugar pero tumuloy pa rin ang babae at barkada.  Ito ang problema,  baka akala nila Falls alarm..






May ilang mambabatas na nagpanukalang gawing legal ang Marijuana sa Bansa. Ayon sa kanila, ang Marijuana ay puwedeng gamot at nakakapagpagaling, OK, I am no expert, pero ito ba ang dahilan kung bakit magaling ang One Direction?








Dinampot naman ng Pulisya ang walong member ng Pamilya habang nagre-repack ng Marijuana sa kanilang bahay sa Camarin Caloocan City para inegosyo .  See, hindi lahat gustong  gumastos sa One Direction,  may nag iisip ding kumita..











Lumantad na si Krista Miller,  ang starlet na dumalaw kay Ricardo Camata na convicted Drug Lord sa Hospital. Ayon kay Krista, nagbebenta lang siya ng Condo.  Sa dami ng babaeng pumapasok sa kuwarto,  inaalam pa kung ang kailangan ba talaga ni Camata ay Condo or Condom..








Big news today, sinampahan na ng Plunder sa Sandiganbayan sina Sen Enrile, Estrada at Revilla. Inaabangan na ng taumbayan kung kailan sila makukulong, inaabangan na rin ni Krista kung kailan sila mahohospital..



6 comments:

  1. trending nga ang NBA last day habang tulog ako lolz.

    ReplyDelete
  2. Haha sa Monday gising ka maaga para sa 2nd game! Pang alis stress! Lolz

    ReplyDelete
  3. OA lng ng mga fans ng 1D lol
    i-idolized nila ang magandang gawain ng mga idols nila, hindi yang masamang bisyo.

    Krista Miller, jusko parang wrong timing naman yata yang pagbabenta nya ng condo unit sa isang kriminal. Hindi kapani-paniwala.

    ReplyDelete
  4. lolz konti na lang yata ang kumakanta ngayon na hindi B.I. siguro nasa fans na lang talaga kung paano nila tatanggapin!

    Re Krista Ang dapat yatang binenta niya safehouse..

    ReplyDelete
  5. masarap tumambay dito sir, ah. para akong nagbabasa ng blog ni professional heckler!

    ReplyDelete
  6. Isang karangalan ang makumpara kay Professional Heckler! Tnx sa pag follow Limarx!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...