Thursday, June 12, 2014

OUCH PiNOY = ARAY NG KALAYAAN






June 12,  ito ang araw na nagkakaisa ang mga Pilipino,  ito ang araw na nagkaroon ang lahat ng pag-asa. Nalaman nila kahapon na no winner pa rin ang 138M sa Grand Lotto...









Ika-116th Annivesary ng Philipine Independence Day ngayon or as Charice Pempengco calls it,  "Free as a bird"








  


Malaking bagay ang pag-iikot ni Pnoy sa iba't-ibang lalawigan ng Bansa tuwing Araw ng Kalayaan,  nababawasan ang usok ng yosi sa Metro Manila..

  






Maganda ang weather sa Plaza Quince Martirez sa Naga City Camarines Sur kaninang umaga,  foggy. Wait, sorry hindi pala foggy. Usok pala ng yosi, papalapit lang ang Pangulo sa stage..









Napanood nyo ba ang speech ng Pangulo kanina?  Hindi mabilang ang mga magagandang pangako niya sa Bayan, ginugulo kasi ng sunod-sunod na ubo..
  






Unusual ang pag-ubo ng Pangulo sa talumpati kanina, ang dami. Kinakabahan na ang mga nagmamahal at malalapit niyang kaibigan, gusto na nilang magsilayo kanina.
 








Isang estudyante naman ang sumigaw ng "walang pagbabago si Pangulong Aquino" Hindi siguro napansin ng estudyante na ibang iba na ang tunog ng ubo ni  Pnoy...









Naglakad ako kanina sa Quezon Ave. and may mga pick-up girls na sumalubong agad, okay na sana kaya lang hindi kami nagkasundo, My bad. 10pm na, akala ko libre pa rin ang sakay...



2 comments:

  1. Happy Independene Day ^^

    Hindi ko napanood yung talumpati ni Pinoy sa Naga City eh. Hindi ako interesado hehe XD

    Natawa ako sa mga pick-up girls!

    ReplyDelete
  2. Anong sabi ni Pnoy? hehehe
    Wala akong nabalitaan sa mga sinabi niya sa Naga, pero yung estudyante nabalitaan ko yan :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...