Tuesday, June 10, 2014

SALAMAT KAIBIGAN







Sa  Privilege speech kahapon ni Sen Bong Revilla marami pa rin ang nadismaya.  Dapat maging lesson ito, gusto mong matuwa ang nakararaming Pnoy? Ikuwento mo ang ending ng Please be careful with my heart...



After ng audio-video presentation ni Sen Revilla na may title na "Salamat Kaibigan", hindi napigil ni Lani Mercado ang lumuha,  ngayon ay alam na niya kung paano magpaluha ng babae si Bong...
 


Emosyonal ang speech ni Sen Revilla,  at tumutok ang taumbayan, walang kumukurap, binabantayan nila kung dadayain ng tubig sa wine glass ang luha..


Hindi lang ang Pnoy ang nakatutok sa mga nangyayaring privilege speech sa Senado, kahit ang ibang bansa, lalo na ang China kaya dapat tayong mag-ingat, kung walang iinom ng tubig sa glass, aangkinin nila yan..








Hinikayat ni Archbishop Socrates Villegas ang lahat na huwag i-condemn ang 3 Senators na sangkot sa Pork Barrel Scam. "Let the one who has no sin be the first to cast a stone,"  dagdag pa niya.  Ibig sabihin si Mike Arroyo lang  ang may karapatang bumato, siya lang ang walang kasalanan, lahat ng kasalanan niya inangkin na ni Iggy Arroyo...







Good news, nagrollback  na ang mga Oil Companies at marami ang natuwa. Last night nung umorder ako ng pizza, dinaanan pa ng delivery boy si Krista para alukin ako ng Condo..










In an interview, sinabi ni Sen Jinggoy Estrada na nakahanda naman siya anytime na may dadampot sa kanya, sinabi naman ng mga preso na handa  rin sila anytime na may dadamputing sabon si sexy...






Last week, dumipensa ang Malacanang sa comment ng CBCP na hindi nila nagustuhan ang performance ni Pnoy. Sa kabila nito ay natutuwa naman si Pnoy. Matagal na rin siyang hindi nakarinig ng ganoong comment, yung huling nagsabi sa kanya non kasama niya sa kama..


Dumipensa rin ang Malacanang sa alegasyon ni Sen Jinggoy na nagmamadali si Pnoy ipasa ang Plunder case para sa SONA.  Last week hindi makapagperform, ngayon naman quickie?







Officially,  Head coach na si Manny Pacquiao ng Team KIA sa next Season  ng PBA sa October,  sinabi ni Pacman na pumipili na siya ng Players na magaling sa opensa at pinag iisipan naman niyang kunin ang tao sa Malacanang sa galing ng mga ito dumipensa.. 




12 comments:

  1. I believe that there are still good, decent, and honest politicians out there....

    ReplyDelete
  2. haahaha as always, you made me laugh.. keep it up bro ^^

    ReplyDelete
  3. Magaling dumipensa, puro inosente. hehehe! Si Janet Napoles, nagkamali ng pinuntahan kung gusto niyang maging state witness. Dapat kay Boy Abunda siya nagpa interview at hindi kay de Lima..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lolz kwentuthero parang tama ka re Napoles dapat nga yata kay Abunda
      nagconfess kaya lang haharang ang presidential sister..

      Delete
  4. Hahahaha, stress much sa di matapos tapos na Be Careful with my heart!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe actually nabanggit ni Sen ang be careful kay chiz dahil kay heart na dapat sa Matandang Enrile niya sinabi ang Be Careful with your.heart..

      Delete
  5. Haay naku itong sa Manny Paksiw, este Paquiao, kung magba=basket ball siya, it's best na mag-retire na lng siya sa pagbo-boksing. Focus na lng siya sa isang bagay. Ang hirap talaga pag mayaman, di alam kung saan itatapon ang pera. LOL

    just my two cents!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lolz tama ka! Actually sa dami rin ng nagsusulsol kay Manny kaya nawawala ang focus..

      Delete
  6. Kung boxing ayos lang kasi may napatunayan na siya sa larangang iyon, sa pagbabasketbol siguro? No comment muna, hindi ko pa naman napapanuod si Manny na mag coach sa team niya. Bigyan natin ng chance baka epektibo rin siya sa ganyan. Malay natin. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahah a! Iba talaga gumawa ng record si Manny! Tingin ko business ang coaching job niya, Ginagamit lang siya ng KIA ..tnx sa pag follow TFTBZ!!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...