Monday, June 30, 2014

VISIT KAYONG LAHAT!! - JINGGOY & BONG





Maganda ang weekend ni Claudine and Raymart, nagkaayos na sila.  Maganda rin ang weekend ni Bong and Jinggoy,  nagkaayos na rin sila ng mga daga at ipis...




Maganda rin ang araw ko kanina, nag-aayos ako ng Police Clearance, maluwag ang pila. Nakapasok agad ako, may mga pagkain pa, huli na ng malaman kong detention cell ng 2 senador..






According to Journalists,  lahat ng visitors ng 2 senators labas masok kahit lagpas na sa visiting hours. I think naniniguro lang sila,  na hindi magkakaroon ng relasyon ang dalawa..

Nakita rin si Master Showman German Moreno na bumisita sa  detention cell. Hindi lang nagpagabi si Kuya Germs dahil   Walang Tulugan...






Update kay Boy Boso, ang lalaking naninilip ng Panty ng students gamit ang hidden cam.  I heard nagbago na siya. Nahilig na siya sa sports. Last month nakita siyang nanonood ng French Open..


This is Alarming, Interior Sec Mar Roxas on Sunday flew to Davao City to meet Mayor Duterte to ensure that all police units are on alert for any possible terrorist attack.  I believe him,  last time na nakita ko si Roxas ng natataranta ng ganito,  nagkatotoo, ikinasal siya kay Korina..





Narinig nyo ba ang news tungkol sa Budget Maids?  Singaporean agencies reportedly treat Filipino domestic workers like 'commodities, offered at 'super promo' rates in Malls.  In a related story, nagkainteres  si Uruguay  Football striker Luis Suárez  at nagtanong kung may Budget Meals..


Sa hirap ng buhay sa Pinas, no choice talaga ang iba kundi mag-abroad. In fact, isang grupo ng all-female-band ang nagpunta sa Singapore para naman mag apply as Combo maids..






Singaporean Agencies  promote them as “smarter” compared to other Asian countries.   when she heard that, Flor Contemplacion was like, "I did not kill anybody, baka ngayon pa lang!"







This is no good.  Nagpo-provoke rin ba tayo ng Giyera? Bakit gusto nating ipamukha sa mundo na hindi maganda ang quality kapag  Maid in China? 

4 comments:

  1. Ang gulo ni Claudine... haynaku... hehehe.

    Natawa ako sa French Open... dami kong ideas lols.

    Parang nakakadismaya na hindi ko malaman. Alam kong mahirap ang buhay kaya marami ang nagiging DH sa ibang bansa, pero para kilalanin ang lahi natin bilang mga mahuhusay na katulong, hindi ko alam kung ano mararamdaman ko, saka basta parang ang weird ng news na ito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes. Nakakadismaya talaga. Kaya lang no choice eh..

      Delete
  2. Hahahaha. Sabog tawa ko dito! Hanep!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...