Wednesday, July 2, 2014

HolDAP! PERA O PURI?






Kanina, isinagawa sa Manila ang Earthquake drill. Satisfied lahat.  Ang nakalimutan lang ituro ay ang magdasal na huwag  lumindol sa oras na naglalagay ka ng contact lens..
Effective ang earthquake drill, sa sobrang effective naglabasan ang mga daga at ipis at nagtakbuhan sa selda ni Revilla.
Ginawa ng ibang empleyado ang mga dapat gawin sa oras ng Kalamidad,  lumabas ng Bldg at nagselfie..
In reality,  ang mga iiwanan na bitak at sirang kalsada ang problema natin pag may lindol.  No wait, sorry. I was thinking of DPWH pala..
Nakatikim ng panlalait sa Netizens si Batangas Gov Vilma Santos dahil sa maling spelling and grammar.  When he heard this, Erap said, "Go girl! Puwede kang President!"

Mali na kung mali sa grammar, but hey, nobody's perfect. Sino ba ang matalino ngayon na makakapagsabing tama siya kahit sinasabi ng lahat na mali ang ginawa niya?  Wala, except for Butch Abad siyempre.
Sumurender na ang  member at kasama sa Hazing na si Jomar Pajarito.   Siya ang makakapagpatunay na  kung gusto nating hindi tumakbo si Jinggoy at Bong sa 2016 ay ipasok sa Tau Gamma Phi..
  
After mai-announce na may cancer sa baga, nangako si Sen Miriam Santiago na tatakbo siya sa 2016 Presidential Election! Amazing.  Iboboto ko  si Miriam.  Nasa kanya ang taglay taglay ni Pnoy bilang Presidente,  sakit sa baga..

Sabi pa ni Miriam, "I don't smoke, I don't drink, I don't commit adultery. I only tell lies to my husband,"  tingin ko itong huli ang mali.  Sa buong bayan siya nagsinungaling, ang alam ng lahat sa brain siya may damage..
Pinapalayas naman ng mga kapwa preso sina Jinggoy at Bong sa PNP Custodial Center na laging magulo ang kulungan dahil sa kanila.  See? yan ang maganda sa mga Preso,  gusto nila ng tahimik na buhay kaya sila nandiyan..



10 comments:

  1. Nauuso na naman ang Earthquake Drills sa mga schools and other establishments. Sana ay madalas nilang gawin yan hindi yung kapag naisipan lang. Sa Japan, kahit alam na alam natin na super handa sila sa mga pag-lindol ay lagi silang nagsasagawa ng mga drills at seryoso sila sa pagdating sa mga ganyang bagay. Dito sa atin, hala nakuha pang mag-selfie? LOL

    Ang daming grammar nazi dito sa Pinas. As if naman perfect din ang english ng mga pinoy lol

    Prayers for Madam Miriam Defensor Santiago. She's a fighter at kayang kaya niyang lagpasan itong Big C!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka fiel dami nga grammar nazi na pinoy, ang nakakapagtaka lang pag may fil am na nagkamali sa tagalog, hindi nila binabaril kasi cute daw pakinggan.. hehehe..

      Delete
  2. Wahahahahahahahahahahaahhaah! I need a good laugh! At naibigay ng blog mo yun!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tnx sa pagdaan and sa comment kamilkshake! lolz

      Delete
  3. Sir, nakakatuwa na hindi ka nauubusan ng humor sa katawan. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha tnx Limarx! Salamat sa comment..

      Delete
  4. Puri ang gusto ko Rolf! lolz

    ReplyDelete
  5. Nagsagawa rin kami ng earthquake drill sa school, grabe ang init! hehehe.
    Mahusay pa rin ang pag-konek-konek mo ng mga linya sir :) Ikaw na ikaw na yan! :)

    ReplyDelete
  6. Kailangan talaga ng students ang earthquake drill ngayon. Hindi talaga natin mabasa ang earthquake kung saan tatama eh.. Salamat sa comment Jep!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...