Wednesday, July 9, 2014

PARUSANG MAKATAO O PARUSANG MAKATAU GAMMA?



Sobrang lamig ngayon kahit ang mga tao nagrerequest kumanta ulit si Bong Revilla para uminit lang ang ulo nila..

Sobrang lamig kahit ang daga sa selda nakiusap kay Bong na ihawin na siya.





Finally, nakakulong na si Atty Gigi Reyes sa Camp Bagong Diwa. Umaasa si Sen Enrile na hindi siya makarinig ng balitang Camp Bagong Dyowa.







2 weeks ago, pinaboran ng CBCP na  gawing legal ang Marijuana for Medical use.  Kung ito ang magpapabalik loob kay Pepe Smith why not?






Earlier today,  binago na ng CBCP ang statement at nilinaw nilang hindi sila payag gawing medical use ang Marijuana. When he heard that, Pepe was like "tigilan nyo ang drugs!"








Sa Cavite, niraid ng CIDG at Rehabilitation czar Panfilo Lacson  ang   Warehouse na may mga sub-standard na bakal.  Gaano kasub-standard?  Ito yung pag ginamit ng Tau Gamma sa hazing walang mararamdaman ang neophyte..







GMA asks court to let her attend as sponsor in Bro. Mike's 50th wedding anniversary celebrations.  Masarap nga naman saksihan ang araw kung paanong si misis  muna ang sumisigaw kay Mike ng "Gusto mong maging succesful ang pagsasama? Ilabas mo ang itlog!"  (at tumalon ka ng tatlong beses!)






Sa Brazil,  nalungkot ang fans sa resulta ng  FIFA World cup  Football semi-final match up sa score na;  Bra: 1 Ger: 7  In a related story, natuwa naman si Boy Boso dahil tanggal na ang Bra sa finals.






Hindi naman makausap  ang Oracle Turtle, ang nagpredict na mananalo sa laban ang Brazil, speechless ito at nagkukulong lang sa sariling bahay..

 





Sa hollywood,  muling nag file ng divorce  si Baywatch Star Pamela Anderson kay Rick Salomon. Yes.  Pam  and Rick have ended their marriage na nagsimula ng 2007.  Maraming kaibigan ang nanghinayang sa 7 inches nilang pinagsamahan.






 
Nagpakawala na naman daw ng 2 missiles ang North Korea.Malakas talaga ang loob ni North Korean Leader Kim Jong-un.  Yan lang magpagupit ka ng ganyang hairstyle at humarap sa maraming tao, lakasan yan ng loob.

4 comments:

  1. Hay naku, duwag naman pala yung mga suspects sa hazing na yan. Ayun, nagsitakas na papunta sa ibang bansa...mga bahag ang buntot... tsk!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Actually, mas matapang ang mga taong hindi na kinakailangan ng protection mula sa ibang tao. Yung kahit solo siya lumalaban sa buhay.

      Delete
  2. Nakakatuwa 'tong blog mo. Punong-puno ng humor

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...