Monday, August 4, 2014

CINOMALAYA Festival






Dumaan ba kayo ng Katipunan Ave kanina?   Uminit din ba ang ulo niyo sa Bumper-to-Bumper Traffic?  Kung buhay lang si Bonifacio siguradong aalis na rin siya sa Katipunan.


Wala naman sigurong taong nag-eenjoy sa Bumper-to-Bumper, Well, except siyempre kay Paolo Bediones.









Maulan pa naman  dahil sa Bagyong Jose. Grabe ang ulan., kanina lang nakita ko si PNoy sumilip sa bintana ng kotse, dahil sa mga patak ng ulan, hindi ko napansing lumuluha.






Earlier Today, sinisi ni Sen Miriam Defensor Santiago ang LTFRB dahil sa Heavy Traffic.  When he heard that Chairman Winston Ginez was like, " "MAY REKLAMO KA? ITAWAG SA LTFRB!"
  





Malakas din ang hangin kanina. Sobrang lakas,  kahit si Sen Nancy Binay hindi nagsindi ng apoy para paliparin ang kanyang Hot-air Balloon.





Dahil sa negative comments na tinanggap sa kanyang gown last SONA, Nancy Binay is going to pose naked daw for FHM.  But of course,  imposible natin yang makita, may Rotating Brownout na naman.





Sports news, Pacman to retire from boxing in 2016, marami ang nanghihinayang.  Actually, based sa mga huling laban parang bagyo pa rin naman ang Punches ni Manny, malakas  pero hindi na nagla-landfall.





Iba ang sipag ni Manny. Namasukan sa Bakery,  pumasok na boxer, naging singer, TV-Host, Actor, Commercial model, Product endorser, PBA Playing-Coach, businessman, congressman, preacher.  Ngayon magtataka pa ba tayo kung bakit wala ng makuhang trabaho ang ibang Pilipino.






Congrats nga pala sa bumubuo ng CINEMALAYA FILM FESTIVAL, minsan pa ay ipinakita nila ang galing ng Pelikulang Pilipino.    Ipinakita rin nila na puwede sila sa MMDA, mas marunong silang magtanggal ng basura.




7 comments:

  1. Sana may mapanuod akong kahit isa man lang na Cinemalaya film ngayong taon :)
    Iba talaga ang dating ng mga "indie films"... may bigat at may lalim.

    Kawawa naman si Nancy Binay sir Rolf hahaha, lagi na lang siya, wala na bang iba lols.

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku balita ko ang hirap daw bumili ng ticket. Lagi daw sold out
      sana nga makanood ka..
      Re Nancy hahaha labs ko rin siya dahil hindi siya pikon..

      Delete
  2. haha tawa much kay Nancy Binay... grabe naman ang overflowing bombardment ng mga comments about her gown.. kawawa naman, haha pero bet ko ung pag pose nya sa FHM kung sakali hahaha charot baka walang bumili awwww haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pag tinototoo ni Sen Nancy yan bibili ako hahaha.. wala lang..

      Delete
  3. may mga movie ako sa cinemalaya na gusto ko panoorin kaso lang laging tapos a kapag nakita ko ang advert :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hirap nga matiyempuhan talaga yung feel mong film. lalo na sa tulad mong busy ang sked Rix hahaha... sana makanood ka kahit isa...

      Delete
    2. nyahaha oo nga eh lolz. naemphasize talaga ang busy ☺

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...