Friday, August 15, 2014

DMTEX (DAANG MATUWID TERM EXTENSION)









Later tonight makakausap ko ang isang Sabungero na dumalo sa  ASEAN Regional forum  at ng makitang nagkamay sina U.S. Sec. of State John Kerry and Chinese Foreign Minister Wang Yi,  ay na-carried away at sumigaw ng  "Sa Pula! Sa Puti!"




Kukumustahin ko rin ang Rock Band sa Malate na hinarang ng siga at pinagbuhol ang members kaya ngayon ang grupo ay  tinatawag na Loom Band.




Dadalawin ko rin bukas sa Green Meadows ang Rich Girl na si Nicole na inoperahan dahil sa Selfie,   nagpadagdag siya ng isang Metrong Braso.




Aalamin ko rin ang katotohanan na dahil malamya ang acting ni Alex Gonzaga sa TV Series na Pure Love ay balak ipasok si GARY V at papalitan ang title ng Pure Energy.




On Sunday,  may secret meeting ako sa Robin Hood  na nangholdap ng Sperm Bank dahil gusto niyang maging sperm donor sa mahihirap na hindi magkaanak.



But first the news.









This week, maganda ang panahon sa Metro Manila, laging maulap. Sa tanghaling tapat, MRT na lang ang tumitirik.







Officially, tatakbo si Binay sa 2016, tatakbo rin daw si Jinggoy, at marami na rin ang nagpayahag na tatakbo.  Sa ngayon,  Train na lang sa MRT ang hindi siguradong tatakbo.









Earlier this week, nag-file ng Bill si  Sen Tito Sotto na nagbabawal sa backriders o angkasan sa Motorcycles.  May point si Tito Sen,  mas maganda naman makita na nagmomotor ang SM Saleslady na  naka-mini kaysa nakaangkas.





Tinawag ni Sen Sotto na Batman and Robin ang  Riding-in-Tandem,  hindi kaya alam ni Sen Sotto na nagsosolo na si Batman? TVJ na lang buo ngayon.








Here's bad news, bumulusok pababa ang Mitsubishi Super Salon sa labas mula sa third floor ng multi-level parking sa Greenhills Mall.  On the bright side, napansin ng pamunuan na mas matipid sa space kung patayo ang parking ng mga kotse.






Napansin nyo ba na manipis na talaga ang buhok ni PNoy.   Nababasa na ng mga tao ang iniisip niya para sa 2016!








Okay, bye for now!!

Happy weekend!!!

Isang Closing Song muna from Louis Armstrong







4 comments:

  1. Nakakasuya na ang mga mukha ng mga pulitiko na yan :)
    Hindi ko alam kung bakit hahaha.
    Parang hindi dapat sila ang nasa mga posisyon, puro porma, pa-showbiz, papogi, puro salita, mga kurakot naman pala, naku naku hahaha :) Galit na galit? lols

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lolz Sir Jep! Ang puso mo! Di bale makakatagpo rin tayo ng Politikong totoo. Malay mo isa sa mga estudyante mo!

      Delete
  2. haha kulit lang.. tama nakakasuka na ang mga balita about sa mga pulitikong walang alam kundi mangurakot at magnakaw sa kaban ng bayan... nakaka imbyerna lang, buti na lang ginawa mong funny mga headlines mo ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. RoVee Share a Joke, Win a friend lang ang peg ng headline haha! Tama ka re balita talagang kasulasok na, ang advantage lang tumatalino na ang mga ibang botante... (sana hehe!)

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...