Friday, August 29, 2014

LET BAGON BE BYGONES









Sa mga nagtatanong kung may kadikit akong Politicians,  aaminin kong nakabungguang-siko ko si Sen. Grace Poe.  Hindi,  hindi ko siya kaibigan,  nagkagitgitan lang kami kanina sa MRT.










PHOTO From Michael Diamzom
Around 8:20 AM sumakay si Sen. Grace Poe para makita ng personal ang problema sa siksikang MRT.  At may nakita naman siyang matinding problema, wala na talagang Boy Scout sa MRT.



Almost 2 hours ang  biyahe ni Senator Poe at maganda pa rin sya nang bumaba.  In fact,  hindi  halata kay Sen Poe kung nakipagsiksikan siya sa MRT.  Wala sa hitsura niya,  nasa amoy.











Sa sobrang  tanda na ng Bagon ng MRT, I guess we know what the MRT Stands for -  Mga Relics na Tumatakbo.








Binatikos naman ng Netizens si DOTC Sec. Abaya dahil hindi Rush Hour nang sumakay sa MRT.  Afterwards he apologized saying "ililipat ko ang Rush Hour sa 1pm"









Sabi ng ilang pasahero sa loob, gusto nilang salubungin si Sec Abaya ng "arms wide open".  Now, dont assume na masaya sila,  ganon lang daw talaga kaluwag ang Bagon.









According to Sanrio, Hello Kitty is not a CAT. Historians say, ito na ang pinakamalaking Pandaraya and cover up since Hello Garci.







Kinumpirma rin nila na si Hello Kitty ay little girl.  Coincidentally, umamin naman si Miss Spain 2013 Patricia Yurena Rodriguez na hindi siya girl,  isa raw siyang Cat.














Si Patricia ay may Vital stats na 35-23-36. Apparently, same lang ng stats ng mga openly celebrity Lesbians sa Pinas, kung braso ang pag- uusapan.









And of course ano pa ba ang puwedeng isigaw ng mga tulad ni Charice and Aiza kay Ms Spain na kabaro nila? "bigyan ng jacket yan!"





Video of the Year ang "Wrecking Ball" sa Video Music Awards.  Congratulations kay Miley Cyrus.  Maraming talent ang bata.  Kung may Longest Line game sana,  may chance ding manalo ang dila ni Miley.



6 comments:

  1. MRT... mga relics na tumatakbo! hehehe

    Ewan ko kay Sec. Abaya...
    ...pabaya.

    Ewan ko rin kay Hello Kitty...
    ...bahala na siya kung ano mang uri ng hayop siya hahaha.

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. tnx sa comment and pag follow Oliver!

      Delete
  3. haha ang kulit ... pero highlight dito ung dila ni Miley Cyrus, beetcchhaa, nakikita ko pa lang mukha nya sa ganyang porma gusto ko ng masuka hahaha

    at si Hello Kitty, kahit ano mang klaseng hayop or tao sya, wala akong pake hahaha basta ako kay doraemon pa rin ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha ako hanggang voltes V lang eh..tnx sa pagdaan RoVee!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...