Saturday, August 9, 2014

ONE MORE TERM?






Let's Hope and Pray na hindi umabot sa atin ang Gaza-Israel Conflict, ang Civil War sa Iraq, and Ebola Outbreak sa Africa.  Hindi tayo handa sa mga ganitong krisis,  nagkaubusan  nga lang ng Chickenjoy sa Jollibee nataranta na tayo.






There are rumors  na kahit McDonald ay naki-cooperate na rin sa problema ng Jollibee.  In fact, kanina sa Jollibee Drive Thru, sinalubong agad ako ni Ronald ng ngiti,  para sabihing wala pa ring Chickenjoy.




So kung tatanungin tayo ngayon ng crew sa Jollibee ng "Willing to wait, Sir?" expect natin na araw ang bibilangin natin.





Humingi ng Paumanhin ang Jollibee at sinigurong makakakain ulit ng paborito nilang Thigh part ang mga Pinoy,  at breast part naman si Paolo.









News from Inquirer, Napoles prays 2000 Hail Mary everyday. Actually 10 MILLION Hail Mary dapat yan,   napunta sa 3 Senators ang iba.









Quezon City Mayor Herbert Bautista is in the news, sinampal niya ang nahuling Chinese drug pusher.  Suwerte pa rin ang Pusher, hindi si Maricel Soriano ang dumating.




According to witnesses,  patawa-tawa pa raw ang Pusher kaya sinampal ni Mayor Bautista. Lesson ito sa mga Pusher, wag kayong tatawa na parang Kris Aquino.










Here's bad news, sinabi ni Vice President Jejomar Binay na may impormasyong siya ang magiging manok ng Liberal Party sa 2016 elections.   On the brightside, may dahilan na si PNoy magbuga ng usok sa mukha niya.








Tanggap naman ni Mar Roxas kung hindi siya ang standard bearer ng LP.   Saludo ako kay Mar,  alam niyang hindi kailangang maging Presidente para maglingkod sa tao, at hindi niya kailangan ang SONA para umiyak.



8 comments:

  1. as usual very entertaining! esp sa chickenjoy na par...tigh or breast? #chickensad hahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks comment Loyd, anong part ba talaga masarap? hahaha

      Delete
  2. Hindi ako aware na nagkaubusan na pala ng "chickenjoy" sa Jollibee :) Naririnig ko lang, totoo pala. 'Anyare?

    Ayan na naman si Paolo Sir Rolf hahaha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha mainit pa rin kasi ang issue kay Paolo, sing init ng chickenjoy Sir Jep!

      Delete
  3. natawa ako sa chickenjoy issue... ang kinababahala ko ay wala pa ring mga tetra pack ng juice sa mga 711 outlet lolz

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha Di ko alam na walang tetra pack ng juice sa 7/11! Check ko nga mamaya! Lolz

      Delete
  4. Yung sa politics na part. Mas mukha na ngayon PBB yung nangyayari sa gobyerno. Iyakan dito, eviction doon. HAHA

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha Tama ka Em! PBB house same lang sa lower and upper house! Lolz!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...