Sunday, September 14, 2014

EMERGENCY POWERS







Apparently, hindi tatanggapin ni PNoy ang Emergency Powers. Handang handa siya kung magka-brownout man sa 2015, lagi  yang may lighter sa bulsa.








Congratulations to Floyd Mayweather Jr, nakagawa na naman ng World Record sa Boxing History, hindi man napatulog si Maidana,  lahat ng nanonood sa TV napatulog niya!





The fight was so Boring. Sa sobrang boring tinanggihan na ni PNoy ang Emergency Powers  wag lang mapanood ang next fight ni Floyd sa 2015.




Ano ang sikreto ng tibay ni Mayweather Jr?  He runs three miles a day, and during fight lang yan sa ibabaw ng Ring.





Insomiac ka ba?  ito ang tamang oras para makatulog ng mahimbing. No, hindi dahil sa malamig na hangin ng Typhoon Luis,  may replay ang Mayweather fight mamaya. 









This is interesting, seryoso na talaga ang mga Pulis maging malinis.  In fact, kanina nakakita ako ng pulis na nanghoholdap sa EDSA habang naliligo sa ulan.






Sobrang sama na ng image ng Kapulisan.  Sa isang survey sa QC, tinanong ang sampung bata kung sino ang naniniwala pa sa Pulis.  Isa lang nagtaas ng kamay.  At ang siyam?  may hawak silang toygun at humihingi ng 2 Million sa nakataas ang kamay.








Last week sa Star Magic Ball, nagwala at nagpakulong ng kusa sa Taguig Police Station si Billy Joe Crawford.  I'm thinking, tatakbo kayang Senador si Billy sa 2016 election? nagpapareserve na kasi ng kulungan.





According to Billy,  wala siyang alam sa nangyari that time.   May balak ngang tumakbo,  senador na kung mag-alibi.










Kung guest sana sa Star Magic Ball si Mommy Dionisia,  isa lang ang maipapayo niya kay Billy, - Go to Gil!








During the Senate Blue Ribbon Hearing, former Vice Mayor Mercado revealed na  13% ang kickbacks ni Binay sa mga Projects ng MAKATI.  13? Well  may mga badluck talagang numbers, para yung TV Station na hindi na umangat ngayon ,    Channel 5!






Tingin ko hindi na natin makikita si Binay na makakagala pa sa 2015.  No, hindi siya makukulong,  mauuso lang ang brownout.







Hindi ako superstitious na tao pero pag may nasalubong si Mercado sa daan na itim na Mayor, siguradong mamalasin siya.





2 comments:

  1. Naku ser, napanood ko yang laban ni Mayweather at Maidana kahapon (palipat-lipat ako ng channel, yung tatay ko sa boxing. Ako naman sa 2014 UAAP Cheerdance Competition)

    Tama kayo, sobrang booorrrrriiiinggg! Tuwang-tuwa pa nga ako sa tuwing nako-corner sya ni Maidana saka pinauulanan ng sunod-sunod na punches eh. Takbo dito, takbo doon at sabay yakap naman tong si Mayweather... tapos siya pa rin ang nanalo? anu ba yan!!???

    ReplyDelete
  2. Haha business kasi ang Boxing kay Mayweather.. Palaksan ng kita .. tnx sa comment Fiel!!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...