Thursday, September 25, 2014

MAY PULIS! MAY PULIS! SA ILALIM NG PALDA NI PNOY!






Photo from UNTVWEB
PNP Chief Director General Purisima is in the news.  Allegedly, Nagpatayo ng White House and Rest House.   I guess this is all part of his plan, na alisin ang image ng Pulis sa Beer House.







Optimistic si Senator Grace Poe, inerekomenda sa DILG na pagbakasyunin muna si General Purisima.  Pero mas Optimistic si Purisima,  alam niyang pagbabakasyunin siya kaya nakapagtayo na ng Rest House.








Muling dinepensahan ni PNoy si Purisima and said "hindi ko nakita ang taong ito na naging matakaw!" Hey Mr President, hindi na rin nakikita ni Purisima ang hawak hawak niya pag umiihi.









Photo from VOANEWS.COM
Nagkaisa ang World Leaders,  Celebrities and environmentalists for the  Climate Change protest.   Nakiisa rin  si PNoy,  kahapon, nagbawas siya ng kalahating kaha ng yosi na sinusunog maghapon.









Last week, ipinakita rin ni Vice Pres. Binay ang pagiging Environmentalist,  puro recycled ang sagot niya sa Speech sa issue ng Makati City Hall.









Hindi naging Caretaker ng Bansa si VP Binay sa pag alis ng Pangulo. According to Spokesperson,  para na ring  nasa Pilipinas ang Presidente dahil sa technology. Not only that,  amoy yosi pa rin sa Malacanang.










Sa mga nagtataka kung saan iniipit ni PNoy ang yosi before mag-speech. Nasa opening ang clue,  sisimulan niya sa "Friends, lend me your Ears!"










In Boston, nagkaroon ng chance na mabisita ni PNoy ang dati nilang bahay at nagflasback ang mga panahong binata pa siya.   It was an emotional scene, lalo nung mag fastforward at makita ang sarili na binata pa rin.









Aquino was heckled by activists during a forum at the Columbia University in New York.  On the brigh side,  nagising ang mga nakatulog.









Hot news, Barrack Obama uses coffee cup to Salute Marines, you know what that means,  Kapeng Barracko!








85-76,  panalo ang Gilas sa India!  20-50  sobrang panalo si Ai-Ai kay Gerald!









30 years ang tanda ni Ai-Ai sa bago niyang BF na si Gerald Sibayan.  I think mas matalino ngayon si Ai-Ai, hindi na siya bibli ng kotse  para lang sa lalaki,  Pampers na lang.





Ai-Ai explains na  nainlab siya dahil sobrang magalang si Gerald,  like pag nagkikita sila ay  hindi nalilimutang magmano ng bata.





Marami ang naniniwala na hindi pa talaga dumarating ang true love ni Ai-Ai.  Well, malay natin,  baka naman ipinapanganak pa lang.






Siguro ilang araw lang makikita na rin natin si Ai-Ai and Gerald na may guesting  sa ABS-CBN  show, no, hindi sa The Buzz, - sa Bet On Your Baby.


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...