Saturday, October 4, 2014

BOSES OF THE 'BOSSES'









In a recent Survey,  62% Filipino ang tumanggi sa 2nd term ni PNoy. The other 38% ay payag  tumakbo si PNoy - palayo kung  magpakita  si Tita Cory at magsermon.









 Hindi ko nakikita ngayon sa TV si Rep Colmenares,  he's been very quiet lately, saludo ako kung papaano siya magpababa ng leader. I was wondering,  hindi kaya nasa Hongkong at may pinapababa sa puwesto?







 Kung gugustuhin, puwede siyang makilala ng Hongkong leader, simulan lang niya sa "Hey I just met you, and this is crazy,  but here's my number, so Colmenares!"





 Ang pinagtataka ko lang sa Hongkong Protests,  wala akong nakikitang red flag ng China, where is the patriotism?  Mabuti pa ang Makati City Hall,  maraming Red Flags.





Sa Senate hearing last thursday, Ibinulgar ni  Audit Commisioner Heidi Mendoza ang iba pang katiwalian sa Ospital ng Makati nuong 2000, tulad ng ICU Bed na P545,000 but cost P34,123.76 kaya may overpriced na 1497%!  On the bright side,  may dahilan ang pasyente makipag Pillow Fight kay kamatayan para masulit  ang kama.






According to Pulse Asia Survey,  31% ang nakuha ni VP Binay para sa Presidential candidate on 2016 Elections.   the Amazing thing is, kaya pang mapataas yan ni Binay,  aabot yan ng 1500% next Survey!




 
 More and more news coming out on VP Binay,  last week Sumulat sila kay Senator TG Guingona at pinatitigil ang imbestigasyon,  sa ibaba ng  sulat ay mababasa ang "Nagmamahal, Binay"





It’s starting to get serious, there are rumors na hindi na nakakatulog ang mga Binays.  Sounds like hindi talaga sila maiitm,  eyebag lang na kumalat sa buong katawan.





Today is National Teachers' Day!  Oras na para pasalamatan natin ang mga Guro at ibulong natin "Sino ba ang Math Teacher ng mga Binay?"








In more serious news, naintercept ng PDEA sa NAIA last friday ang Shabu na nasa Dictionary. Well congrats, no. hindi sa PDEA,  sa mga adik - nag-aaral din pala kayo!
  




Alam kaya ng mga Addict kung ano ang epekto sa kanila ng Shabu na nasa Dictionary? Centrum -  complete from A to Zinc ang tama.







Good news , may free ride kanina sa LRT ang mga Senior Citizens dahil  sa Elderly Filipino Week Celebration.  In a related story,  may free ride din ang MRT para naman sa kanilang Elderly Bagon Week.




2 comments:

  1. I love this post! Easy read pero malaman! I love politics!

    ReplyDelete
  2. Salamat sa pagdaan and comment Senyor!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...