Thursday, October 2, 2014

THE SINGING BEER!







Oktoberfest - buwan ng selebrasyon ng mga Pinoy kung saan nagsasanib puwersa ang inuman at kantahan,  or as Dick and Amy calls it, "The Singing Beer!"










Malamig na ang Ber Months.   Gusto nyong pawisan? Gayahin nyo si PNP General Purisima.  Hinarap lang ang mga tanong sa Senate hearing,  pinagpawisan na ng sobra.









Inamin ni Purisma na hiram ang Bullet Proof Vehicle na ginagamit niya.    Bullet Proof? Wow,  you know what that means,   baka palitan niya ang Pope na mag iikot next year.








Earlier today,   nagpa-presscon si Purisima at nagsabing "malinis ang konsensiya ko, malinis na malinis!"  after hearing this, the konsensya said, "wait,  hiniram niya lang din ako!"









So, Allan Purisima and Pope Francis have something in common,  parehong busy at parehong kapayapaan ang gusto. Although mas naghihimala si Purisima.  Tulad kanina,  himala nagpakita siya sa Media.










Binaha na naman daw ang White House sa Camp Crame kahapon dahil sa isang oras na ulan.  A tip for the PNP: tularan nyo ang mga congressmen sa paraan nila kaya hindi binabaha ang loob ng Batasan,  nagbubutas lang sila ng upuan!







Mayon Volcano update:   wala mang Volcanic Earthquake nakataas pa ito sa Alert Level 3 dahil sa abnormal signs.   The strange thing is,  mas safe lumapit si Butch Abad sa Mayon kaysa UP Students




This is true, plano ng local Officials sa Albay na bigyan  ang mag-asawang evacuees ng access card sa Hotel para mag-sex.   If that happens,  hindi pa pumuputok ang Mayon marami na ang naputukan








Be Careful with my heart series to end this November. To give you an idea kung gaano katanda ang Show.   Si Aling Maliit sa katapat nilang Ryza Mae Show ay tinatawag na ngayong Aling Malaki.









Have you heard about this? Ipinagmalaki ni FHM Model Allyza Agustin na ginamit niya ang business Card ng PNP Chief kaya pinalusot siya ng Traffic Enforcer sa number coding. Hey, huwag munang tumangos ang ilong Chief,  the truth is hindi Card mo ang nagpanginig sa Enforcer,  cleavage ng sexy Driver.



10 comments:

  1. galing talaga :) nakaka good vibes haha

    ReplyDelete
  2. Hindi ko talaga maatim na binabalita sa tv yung access card sa mga hotel para makapag-siping ang mga mag-asawang evacuees. Ganun ba talaga kailangan yun kapag may asawa na? Hehehe.

    ReplyDelete
  3. hahaha mahirap pigilan ang gigil eh.. tnx sir jep!

    ReplyDelete
  4. gusto ko magtry pumunta ng october fest kahit na di ako ma-beer ahahaha

    ReplyDelete
  5. hahaha kaya ka nagkakasakit eh... pagaling ka muna Rix!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...