Saturday, December 6, 2014

HAGUPIT





Guys  ilang oras na lang magla-land fall na si Typhoon Ruby,  para safe ang tahanan sa mga susunod na oras,  itali na natin ng mahigpit ang bahay.  Para safe naman ang Bansa sa mga susunod na taon,  itali na natin si Jojo Binay.






Sa NAIA, nabasag ang salamin nang sumugod ang fans ng dumating na KPOP Group na Bangtan Boys. On the bright side,  nawala ang init  sa airport dahil nakapasok ang hangin.







In more serious news, umasa na tayong marami pa ang magkakasakit sa mga susunod na araw dahil sa mga Bagyo.  Not only that, nangako na rin kasi si PNoy na may mga makakasuhan pa sa Pork Barrel Scam.



Sa pagpasok ni Typhoon Ruby,  naka blue alert ang MMDA.  At alam nating safe sila sa kalsada,   wag lang  sasakay si Ruby sa Maserati Sports Car.






Yesterday Sixty members of the Alpha Phi Omega (APO) fraternity ran naked in their annual "Oblation Run" at the U.P. campus in Manila. I was wondering,  mataas kaya ang grades nila dito  o puro itlog lang?







Marami ang kinilig sa  Oblation Runner na nagpropose ng kasal sa GF.  Now my question is, during Oblation Run saan niya isinuot ang engagement ring para maitago?






Christmas is just around the corner -  sort of like the VP Binay tuwing hinahanap sa Senate  Hearing.






Kinakabahan naman ang mga supermarket owner tuwing nag iikot si Sen. Bam Aquino kasama ang DTI para mag-inspect ng overpriced basic goods. You know what that means?  - Bam Scare!






Isa sa mga dapat abangan sa MMFF  ang  Bonifacio ni Robin Padilla.  I think mas bagay si Jojo Binay  gumanap na Bonifacio,  mas magaling si Jojo  umarte na hindi uurong sa laban.




Marami ring nagsasabi na si VP Binay ay atapang a tao,  aputol a kamay hindi atakbo,  aputol a paa hindi atakbo.  Kaya lang, a tanong a Senado atakbo atulin.




In fairness, kahit ayaw dumalo sa Senate Hearing, alam kong may Balls si VP Binay.  Kung ayaw nyong maniwala, patakbuhin natin sa Oblation Run!



8 comments:

  1. ahahaha… ang dami kong tawa dito. I love how your mind works! Natawa ako dun sa Oblation run. Very witty. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Anonymousbeks.. ingat kay Ruby!

      Delete
  2. Si VP Binay ang main course sa inihain mong ito hehehe :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parang masarap si VP Binay ihain pag bumabagyo haha,, tnx Jep!

      Delete
  3. natawa ako sa bamscare na yan! hahaha hyper na hyper yan si bam eh compared kai ruby naman masyadong pakipot all the way! landi landian lang mode non eh! haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lol Lalah, mas mahirap kung si Bam ang naglalandi landian mode hehe.. tnx sa comment!

      Delete
  4. hahahahahha San nga ba sinuot ang engagement ring? hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lol Ben! tnx sa pagdaan and comment!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...