Monday, June 30, 2014

VISIT KAYONG LAHAT!! - JINGGOY & BONG





Maganda ang weekend ni Claudine and Raymart, nagkaayos na sila.  Maganda rin ang weekend ni Bong and Jinggoy,  nagkaayos na rin sila ng mga daga at ipis...




Maganda rin ang araw ko kanina, nag-aayos ako ng Police Clearance, maluwag ang pila. Nakapasok agad ako, may mga pagkain pa, huli na ng malaman kong detention cell ng 2 senador..






According to Journalists,  lahat ng visitors ng 2 senators labas masok kahit lagpas na sa visiting hours. I think naniniguro lang sila,  na hindi magkakaroon ng relasyon ang dalawa..

Nakita rin si Master Showman German Moreno na bumisita sa  detention cell. Hindi lang nagpagabi si Kuya Germs dahil   Walang Tulugan...






Update kay Boy Boso, ang lalaking naninilip ng Panty ng students gamit ang hidden cam.  I heard nagbago na siya. Nahilig na siya sa sports. Last month nakita siyang nanonood ng French Open..


This is Alarming, Interior Sec Mar Roxas on Sunday flew to Davao City to meet Mayor Duterte to ensure that all police units are on alert for any possible terrorist attack.  I believe him,  last time na nakita ko si Roxas ng natataranta ng ganito,  nagkatotoo, ikinasal siya kay Korina..





Narinig nyo ba ang news tungkol sa Budget Maids?  Singaporean agencies reportedly treat Filipino domestic workers like 'commodities, offered at 'super promo' rates in Malls.  In a related story, nagkainteres  si Uruguay  Football striker Luis Suárez  at nagtanong kung may Budget Meals..


Sa hirap ng buhay sa Pinas, no choice talaga ang iba kundi mag-abroad. In fact, isang grupo ng all-female-band ang nagpunta sa Singapore para naman mag apply as Combo maids..






Singaporean Agencies  promote them as “smarter” compared to other Asian countries.   when she heard that, Flor Contemplacion was like, "I did not kill anybody, baka ngayon pa lang!"







This is no good.  Nagpo-provoke rin ba tayo ng Giyera? Bakit gusto nating ipamukha sa mundo na hindi maganda ang quality kapag  Maid in China? 

Thursday, June 26, 2014

BAKIT LAVISH KITANG MAHAL?




Biglang buhos ang malakas na ulan kanina, nabigla ang lahat. Suwerte na lang at hindi inabot si Sen Revilla, kung nagkataon ay makakarinig tayo ng "Im singing in the rain..."
Sa sobrang lakas ng ulan,  hindi na gumalaw ang mga sasakyan sa EDSA, i think ganon yata talaga pag nabibigla ang mga driver..
Gossip experts are telling us now na may computer talaga sa Detention cell ni Sen Revilla and Jinggoy, may nakita na naman daw Mouse sa loob..



Earlier,  humarap na sa Sandiganbayan division si Senator Ramon Revilla Jr.   Revilla was in a jollier mood, talking and smiling to his family relatives. Walang kadaga-daga sa dibdib, iniwan niya sa selda para may kalaro ang isa pang Daga..

 

 In sports, Uruguay striker Luis Suarez has been suspended from all football-related activity for four months for biting Italy defender Giorgio Chiellini. Pero saludo pa rin ako kay Luis, i mean, trabaho yan, naglalaro siya para may makain..


Sa third day,  inisnab ni Sen Jinggoy and Revilla ang breakfast na Itlog at tuyo? Pang mahirap nga naman. Wait, ano ba ang mahal ngayon na puwede ipakain sa dalawa?  Isang kilong bawang...?




Finally, House or Hospital arrest for Sen Enrile. Huwag sa detention cell. Alam niyang iisnabin siya ng dalawa, lalo't tuyong itlog lang ang dala niya..


Dapat maisip din ng 2 senador na maraming walang makain ngayon. Kung ako yan ibibigay ko sa nagugutom, tulad ni Luiz Suarez ng  Uruguay.. 


Guess what - After makulong ang 2 batang senador. Dalawang Matanda naman ang inaabangan ng mga Pinoy na matuldukan sa TV,  si Sen Enrile at yung "Be careful with my heart.."





Karen Davila tweet, Erap defends grandson over "lavish lyfestyle", you know what that means, lavish na pagmamahal..

Tuesday, June 24, 2014

BONG REVILLA for NATIONAL ARTIST




Later tonight bibisitahin ko ang Body Builder na hindi katalinuhan kaya naging Shoplifter sa Mall, at papayuhan na para kumita ay hindi naman kailangang buong shop pa ang bitbitin niya..



Aalamin ko rin kung totoong kapag idinemanda ang mga businessman na nagtatago ng sobrang bigas at bawang ay sisigaw ang Judge ng "Hoarder! Hoarder in the court!"




Pag-uusapan natin mamaya ang isang Marathon Player na naawa sa isang Pulubing walang makain kaya niyaya niya ng karera,  at nang magkarera ay pinakain lang niya ng alikabok.. 





Kung may oras pa,  aalamin ko ang reklamo gabi-gabi sa isang sexy dancer ng Pegasus na sobrang lambot ang katawan pero ayaw sumayaw,  na ayon sa Floor Manager, malambot lang ang katawan pero matigas ang ulo.. 



But first the news...





  

June is the Lesbian Gay Bisexual and Transgender (LGBT) Pride Month. Reportedly, there was one awkward moment in New Bilibid Prison. isang bagong laya ang sumigaw ng "Out and Proud!" 






Last Friday,  nakangiti sa Mugshots si Sen Bong Revilla kaya maraming nainis. Ewan ko pero sa mga babaero, hindi ka ba mangingiti pag naiisip mong hindi ka na mababantayan ni Misis sa gabi? 






According to Lani Mercado, ilang minuto pa lang sa loob ng selda si Bong ay  inatake na ng  Migraine or as Batang Ham0g calls it, Lipas Gutom lang..   







Over the weekend, maraming gustong ayusin si Sen Bong sa Selda, pinatanggal niya agad ang Daga at Ipis. Reportedly, pinatatanggal  na rin  niya ang ika-walong utos ng 10 Commandments sa Bible..





2 weeks ago, Sen. Bong Revilla  to Sec De Lima, “Mukhang yung ating DOJ Secretary, matapatan lang ng flashlight ay magsasalita na.”  in response, De Lima said, "Mukhang yung ating Senador matapatan lang ng mic kakanta na"

  


Here's bad news,  inalis daw ni Pnoy si Ate Guy  sa National Artist List. At hindi natin siya masisisi,  sino naman si Nora Aunor  sa mga acting ngayon ni Bong Revilla?    




  
Tagumpay naman ang "Oplan Panik Bus"  ng PNP sa nangyaring Robbery Holdap sa isang Bus sa EDSA Buendia kaninang umaga. Panic lahat ng pasahero at nagsitalon..







photo from Manilatimes
Kahapon, sinamahan ni Erap ang anak sa pagsurrender  hanggang kulungan.  Sa mga ganitong pagkakataon sino pa ba ang aalalay kay Jinggoy,  siyempre yung may experience...



Marami ngayon ang nag-aabang kung paano naman susuko ang 90 yrs old na si Sen Enrile?  May balitang mas magugulat daw ang lahat.  May tatay din kayang isasama?




 


Tuesday, June 17, 2014

HABANG MAY BUHAY


Kudos! Mukhang ang daming nangyayari ngayon sa Bansa, maraming dapat pag usapan..


Later pag uusapan natin ang isang lalaking madaling sumuko sa buhay na gumawa na ng Suicide Note na hindi matapos tapos kaya sumuko na rin at di na nagsuicide..


At ang reklamo ng isang Binata sa Baklang dating Balloon twister na nagpasikat sa Q.C. Circle,  nag-twist at nakapag-form ng dog sa pamamagitan naman ng condom,  habang nakasuot sa  binata..

Tomorrow Lunch ay  aalamin ko kung totoo ang tsismis na dahil sa sobrang taas ng Bigas ngayon ay hindi na nagbibigay ng extra rice ang Mang Inasal,  puro extra chicken na lang..

Sisilipin ko rin bukas kung totoong si Lacson ang nasa likod ng pinalutang ni Sandra Cam na sex video scandal ni De Lima.  At kung totoo ito,  sino naman ang nasa likod ni De Lima sa sex video..

Samantala, Narito muna ang ilang mahahalagang Balita...

 This is crazy,  plano ng isang kumpanya ng alak na ipangalan sa mga Pambansang Bayani ang kanilang mga produkto. Wow, kung may lasing na magwawala at may hawak na itak, alam mo na kung ano ang nainom.   Bonifacio Whiskey!



 Dapat talagang tutulan ng  National Commission on Culture and the Arts (NCCA) itong gusto ng Destileria Limtuaco. Baka maisipan ni Pnoy na bayani na rin ang ilagay sa brand ng yosi,  makita pa natin si Ninoy..

 Balak ngayon ni Sen. Bong Revilla na buhayin ang bantang maglalabas siya ng pasabog laban sa Aquino Administration at tiyak na marami daw masasangkot.  Marami ngayon ang kinakabahan kay Revilla.  Tingin nila hindi lang Presidente ang gusto niyang palitan, pati si Lolit Solis sa Startalk...







Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.  also said he’d do push-ups, read the Bible and pray to fight boredom in jail once he is arrested.  And totoo namang effective,  ganito ang ginawa ng mga nasa bahay during  privilege spee?ch niya..
Request naman ni Sen. Jingoy Estrada  na huwag ng isama ang matandang Enrile sa Kulungan. Naintindihan ko si Jinggoy. Alam niya kung gaano kaingay magpasabog ng kabag ang matatanda sa madaling araw...

Badnews, according to United Nations Population Fund Agency, tumaas ng 70 percent ang teenage pregnancy over 10 years.  On the bright side,   may 30 percent pa para kay Ka Freddie...
  


Monday, June 16, 2014

THE FAULT IN OUR ...



Earlier today, nag-ikot si Sen. Bong Revilla sa mga Barangay sa Sta Mesa, Pandacan, Malabon & Navotas.  Nalaman niyang maraming nagmamahal sa kanya. Nalaman na rin ni Sen. Bong kung saan-saan pa may magagandang Videoke Bar..





Reportedly may mga taong nandon ang hindi talaga napigil ang pag-iyak. Force of habit, akala daw susugod na si Jose and Wally...
                                  

Ipinasilip naman ng PNP ang selda na tutuluyan ng 3 Senators. Maganda, may sariling Shower, safe. Kahit kumanta habang naliligo si Sen. Bong walang makakarinig...





According to PNP, pagbabawalan ang 3 Senators gumamit ng gadgets sa kulungan.  OA sa pag-iingat ang Malacanang.  Sinisiguro nilang hindi makaka-score ang Senators,  kahit sa Bejeweled game..


In more serious news, delikado ang mga kapatid nating OFW as Civil War overtakes Iraq. Saan na sila tatakbo? May banta ring delikado ang ekonomiya ng Pinas.  Nagbanta na si Bong na tatakbo sa pagka Presidente..

Ipinagmalaki naman ni Kris Aquino na kasama niya si Derek Ramsay   and  2 kids na nanood ng nakakaiyak na movie  The Fault in Our Stars.  At least may malaking  "a shoulder to cry on" para kay Kris,  si Joshua..




Inamin ni Kris na umiyak siya habang nasa loob,  hndi lang nilinaw kung dahil sa story ng movie or  nakita lang si Bistek na may kasamang bagong babae sa sulok...


Umamin na si ex-Wrestler Pat Patterson na isa siyang Gay at may karelasyong lalaki na tumagal ng 40 years. Maraming nanghinayang, kung naging wrestler sana si Kris Aquino baka may tumagal  ding lalaki sa kanya..





Thursday, June 12, 2014

OUCH PiNOY = ARAY NG KALAYAAN






June 12,  ito ang araw na nagkakaisa ang mga Pilipino,  ito ang araw na nagkaroon ang lahat ng pag-asa. Nalaman nila kahapon na no winner pa rin ang 138M sa Grand Lotto...









Ika-116th Annivesary ng Philipine Independence Day ngayon or as Charice Pempengco calls it,  "Free as a bird"








  


Malaking bagay ang pag-iikot ni Pnoy sa iba't-ibang lalawigan ng Bansa tuwing Araw ng Kalayaan,  nababawasan ang usok ng yosi sa Metro Manila..

  






Maganda ang weather sa Plaza Quince Martirez sa Naga City Camarines Sur kaninang umaga,  foggy. Wait, sorry hindi pala foggy. Usok pala ng yosi, papalapit lang ang Pangulo sa stage..









Napanood nyo ba ang speech ng Pangulo kanina?  Hindi mabilang ang mga magagandang pangako niya sa Bayan, ginugulo kasi ng sunod-sunod na ubo..
  






Unusual ang pag-ubo ng Pangulo sa talumpati kanina, ang dami. Kinakabahan na ang mga nagmamahal at malalapit niyang kaibigan, gusto na nilang magsilayo kanina.
 








Isang estudyante naman ang sumigaw ng "walang pagbabago si Pangulong Aquino" Hindi siguro napansin ng estudyante na ibang iba na ang tunog ng ubo ni  Pnoy...









Naglakad ako kanina sa Quezon Ave. and may mga pick-up girls na sumalubong agad, okay na sana kaya lang hindi kami nagkasundo, My bad. 10pm na, akala ko libre pa rin ang sakay...



Wednesday, June 11, 2014

BAHAY ALIWAN NI KUYA








Tag-ulan na nga, malayo pa lang ramdam na ng mga tao ang lamig ng hangin, ramdam na rin ng 3 senador ang lamig ng rehas..











Photo from  8tracks.com
At pag ganitong malamig ang panahon, napakasarap matulog. Pero kung ayaw kang antukin, may payo ang Malacanang,  panoorin mo ulit ang privilege speech ni Sen Estrada..

 







Sabi ni Sen Jinggoy Estrada sa kanyang Privilege speech kanina, "Pansamantala kong babakantehin ang aking upuan nang nakataas ang noo"  Impressive?  Well, mas marami pa rin ang naniniwala sa kredibilidad ng Administration.  In fact kung magreresign din si Pnoy mas mataas ang kanyang noo...







 Singil sa Meralco bumaba, presyo ng Gasolina bumaba, unemployment rate bumaba.  Kahapon isang sasakyan ang nahulog sa Talayan Creek sa Araneta Ave. Wow, kahit ang Road accident bumaba rin..









Nabalitaan nyo ba si "Boy Boso"? Ang lalaking nahuli ng NBI dahil namboboso ng panty ng mga students gamit ang hidden cam na nasa loob ng kanyang Bag.  Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya sa panty pero ang maganda sa kanya, pag walang suot na panty ang girl hindi na niya tinutuloy...

 








Ipinatawag naman ng MTRCB ang ABS-CBN executives regarding sa nude painting challenge ni Kuya sa PBB housemates. Wait, hindi kaya si Kuya at si Boy Boso ay iisa?









 Mabuti na lang at hindi tinanggap ni housemate Jayme Jalandone  ang task na nude painting.  Kundi ay malaking problema ito sa sambahayan. Mas mapapadalas i-check ni  Ka-Freddie ang TV   kaysa i-check ang laman ng Ref..










Teka, bakit hindi na lang si Alex Gonzaga ang  maghubad sa nude painting, gustong malaman ng fans kung totoong straight siya...




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...