Friday, August 29, 2014

LET BAGON BE BYGONES









Sa mga nagtatanong kung may kadikit akong Politicians,  aaminin kong nakabungguang-siko ko si Sen. Grace Poe.  Hindi,  hindi ko siya kaibigan,  nagkagitgitan lang kami kanina sa MRT.










PHOTO From Michael Diamzom
Around 8:20 AM sumakay si Sen. Grace Poe para makita ng personal ang problema sa siksikang MRT.  At may nakita naman siyang matinding problema, wala na talagang Boy Scout sa MRT.



Almost 2 hours ang  biyahe ni Senator Poe at maganda pa rin sya nang bumaba.  In fact,  hindi  halata kay Sen Poe kung nakipagsiksikan siya sa MRT.  Wala sa hitsura niya,  nasa amoy.











Sa sobrang  tanda na ng Bagon ng MRT, I guess we know what the MRT Stands for -  Mga Relics na Tumatakbo.








Binatikos naman ng Netizens si DOTC Sec. Abaya dahil hindi Rush Hour nang sumakay sa MRT.  Afterwards he apologized saying "ililipat ko ang Rush Hour sa 1pm"









Sabi ng ilang pasahero sa loob, gusto nilang salubungin si Sec Abaya ng "arms wide open".  Now, dont assume na masaya sila,  ganon lang daw talaga kaluwag ang Bagon.









According to Sanrio, Hello Kitty is not a CAT. Historians say, ito na ang pinakamalaking Pandaraya and cover up since Hello Garci.







Kinumpirma rin nila na si Hello Kitty ay little girl.  Coincidentally, umamin naman si Miss Spain 2013 Patricia Yurena Rodriguez na hindi siya girl,  isa raw siyang Cat.














Si Patricia ay may Vital stats na 35-23-36. Apparently, same lang ng stats ng mga openly celebrity Lesbians sa Pinas, kung braso ang pag- uusapan.









And of course ano pa ba ang puwedeng isigaw ng mga tulad ni Charice and Aiza kay Ms Spain na kabaro nila? "bigyan ng jacket yan!"





Video of the Year ang "Wrecking Ball" sa Video Music Awards.  Congratulations kay Miley Cyrus.  Maraming talent ang bata.  Kung may Longest Line game sana,  may chance ding manalo ang dila ni Miley.



Saturday, August 23, 2014

CHICKEN BUCKET CHALLENGE











Big news to start out with,  humingi ng sorry si Sharon Cuneta sa fans dahil tumataba na siya.  Nag iingat na rin siguro ang Mega Star,  ayaw niyang maakusahang umuubos ng NFA Rice na nire-raid ni Kiko Pangilinan.





Inamin ni Mega Star na ang dahilan ng pagpapataba niya ay ang kawalan ng interes maging "on top" pa rin sa kaniyang career.   Im thinking to myself,  kinakarir ba niyang maging on top sa love making?




Some Gossip experts say na  napansin lang ni Sharon ang Katabaan niya dahil sa SuperFerry Commercial.  Sumigaw siya ng sakay na! At siya ang sinakyan ng mga tao.





Here's an interesting fact, maraming Starlet ang gustong sumunod sa status ni Sharon. Sorry pero ito lang ang masasabi ko,  "Marami pa kayong kakaining bigas!"




Nangako si Sharon sa fans na "back to basics" na siya.  Kaya asahan natin na papayat na ang Mega Star. Well, maliban na lang kung kakainin niya ang sinasabi niya.







 As you know, Persona non grata ngayon si Ramon Bautista sa Davao City dahil sa kanyang "Hipon Joke". Malungkot ngayon si Ramon,  ito ang tamang oras para lapitan siya ng fans at tanungin ng "Why the long face?"





Kanina sa biyahe, nakatangap ako ng bad news at parang tumigil ang mundo ko. Ang bad news,  tumigil daw ang sinasakyan naming  MRT at hindi na aandar pa.









Kahapon, nagkagulo sa Malacanang ng pumasok ang Dalagang armado ng Caliber .45 at pilit pinalalabas si PNoy. Nakahinga lang ng maluwag ang lahat ng madisarmahan ang babae,  at nakahinga rin ng maluwag si PNoy ng masiguradong hindi niya nabuntis ang babae.











Kahit si Billionaire  Microsoft owner Bill Gates ay tinanggap din ang hamon sa Ice Bucket Challenge. At least magkasipon man si Bill  safe ang kanyang mga empleyado, marami silang Anti-Virus.






In more serious news, magkakaroon pa rin ng Rotating Brownout sa ilang mga Probinsiya. Which would be a good idea sa mga gustong mag  Ice Bucket Challenge na ayaw ng malamig na tubig.









Thursday, August 21, 2014

REMEMBERING NINOY







On this day in 1983 Ninoy Aquino was gunned down by Rolando Galman. Kung ngayon uuwi si Ninoy hindi siya mamamatay sa Airport, baka sa kahihiyan pa sa Term Extention.







Sa misa ng 31st Death Anniversary ni Ninoy, binanggit ni Father Daniel Tansip na kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang hindi na matapos ang panunungkulan ni PNoy.  When he heard that, Ninoy was like "Tapusin mo na nga yan father!"





Narinig natin kay Ninoy ang statement na "The Filipino Is Worth Dying For"  Coincidentally, Jun-Jun Binay also said, "The Filipino Is Worth, well, Overpriced sa Makati pa lang..."








Bad news sa mga commuters during Rush Hour, binagalan na ang takbo ng Train ng MRT para  makaiwas aksidente.   On the bright side,  puwede ka ng mag-jogging sa EDSA kasabay ng MRT.






Napanood nyo ba ang Senate Blue Ribbon Sub-committee sa Overpriced Makati City Hall carpark probe.  Walang maisagot si Makati Mayor Jun-Jun Binay pero cool lang siya. Parang sumali lang siya sa Ice Bucket Challenge at na brain freeze.






Isa sa depensa ni Mayor Jun-Jun kaya mahal ang Bldg ay ang matibay na foundation na hindi madaling magiba.  Sort of like the Binay Dynasty.








According to Atty. Bondal, Kahit ang Birthday cake na ibinibigay sa mga senior citizens ng Makati ay overpriced!  Actually, hindi yung cake ang 1000 pesos,  yung candles.





Observation ng lola ko, mabagal ang buhay sa Probinsiya pero mas mabagal daw ngayon ang buhay sa Makati, no wait, sorry nakasakay lang kami sa MRT.




Kanina  sa Birthday ng lolo ko sa Makati, nagpadala ang Munisipyo ng cake worth 7000 pesos, overpriced? Nope,  may Strip-dancer sa loob!




last nght nagpunta ako sa Night Club sa Makati Ave, kahit ang mga dancer overpriced! Valid naman ang reason,  matibay ang foundation nila sa mukha.








Earlier, muling kinontra ni VP Jejomar Binay ang Term Extension ni Noynoy. I guess mali lang tayo ng dinig sa Malacanang,  Hair Extension ang gusto ng pangulo.





Friday, August 15, 2014

DMTEX (DAANG MATUWID TERM EXTENSION)









Later tonight makakausap ko ang isang Sabungero na dumalo sa  ASEAN Regional forum  at ng makitang nagkamay sina U.S. Sec. of State John Kerry and Chinese Foreign Minister Wang Yi,  ay na-carried away at sumigaw ng  "Sa Pula! Sa Puti!"




Kukumustahin ko rin ang Rock Band sa Malate na hinarang ng siga at pinagbuhol ang members kaya ngayon ang grupo ay  tinatawag na Loom Band.




Dadalawin ko rin bukas sa Green Meadows ang Rich Girl na si Nicole na inoperahan dahil sa Selfie,   nagpadagdag siya ng isang Metrong Braso.




Aalamin ko rin ang katotohanan na dahil malamya ang acting ni Alex Gonzaga sa TV Series na Pure Love ay balak ipasok si GARY V at papalitan ang title ng Pure Energy.




On Sunday,  may secret meeting ako sa Robin Hood  na nangholdap ng Sperm Bank dahil gusto niyang maging sperm donor sa mahihirap na hindi magkaanak.



But first the news.









This week, maganda ang panahon sa Metro Manila, laging maulap. Sa tanghaling tapat, MRT na lang ang tumitirik.







Officially, tatakbo si Binay sa 2016, tatakbo rin daw si Jinggoy, at marami na rin ang nagpayahag na tatakbo.  Sa ngayon,  Train na lang sa MRT ang hindi siguradong tatakbo.









Earlier this week, nag-file ng Bill si  Sen Tito Sotto na nagbabawal sa backriders o angkasan sa Motorcycles.  May point si Tito Sen,  mas maganda naman makita na nagmomotor ang SM Saleslady na  naka-mini kaysa nakaangkas.





Tinawag ni Sen Sotto na Batman and Robin ang  Riding-in-Tandem,  hindi kaya alam ni Sen Sotto na nagsosolo na si Batman? TVJ na lang buo ngayon.








Here's bad news, bumulusok pababa ang Mitsubishi Super Salon sa labas mula sa third floor ng multi-level parking sa Greenhills Mall.  On the bright side, napansin ng pamunuan na mas matipid sa space kung patayo ang parking ng mga kotse.






Napansin nyo ba na manipis na talaga ang buhok ni PNoy.   Nababasa na ng mga tao ang iniisip niya para sa 2016!








Okay, bye for now!!

Happy weekend!!!

Isang Closing Song muna from Louis Armstrong







Tuesday, August 12, 2014

R.I.P. ROBIN WILLIAMS






PDI Headline: Senate gets worst rating.   To give you an idea of how bad it is,   mas pinapanood na ang TV5 kaysa sa kanila.






Napanood nyo ba ang Aquino & Abunda last Monday? Special Guest ni Kris Aquino si Mayor Bautista.  Minsan pa ay napatunayan na napakabilis ng oras pag kasama mo ang mahal mo,  at napakabilis ng bibig ni Kris para masabi niya lahat ng gusto niyang sabihin kay Bistek.



Absent si Tito Boy  last Monday kaya si Kris lang ang  host ng Aquino & Abunda.  You know what that means?  Single Lady.



Sa show ay nagkaroon ng chance si Bistek  na sagutin lahat ng tanong ni Kris. Kung bakit niya nasampal ang Chinese drug pusher,  at kung sino ang katabi niyang girl  last SONA.



Habang nagpapaalam sa Show, binanggit ni Kris Aquino na hindi nananakit si Bistek, damdamin lang!  Incidentally, pinatay na ng mga anak nila ang TV, dahil masakit na rin sa tenga at mata.







Nakabili na ba kayo ng BE CAREFUL WITH MY HEART LULLABY  CD? Maganda siya.  Ang isa sa nagustuhan ko dito ay hind siya  Plaka,  so hindi ito Long Playing Album.




Good news,  naaresto na ng NBI si Ret. Maj Gen Palparan kaninang 3AM sa  isang masikip na Eskinita sa Sta. Mesa. Gaano kasikip?  Kailangan pa ni Palparan magpapayat para makadaan.








Tama lang na sumurender na si Palparan sa NBI. Puwede rin siyang masaktan sa pinagtaguan niya sa Theresa St. Sta Mesa.   Ilang metro lang ang layo ng PUP kay Palparan, or as PUP Activist refers to it, "Just a stone's throw away!"






Everyone has some skeletons in the closet. I mean, kahit si Ret. Maj. General Palparan mayroon din,  3 years niyang tinago ang sariling katawan.





Death – to blink for an exceptionally long period of time.
   ROBIN WILLIAMS (From Patch Adams) 









Saturday, August 9, 2014

ONE MORE TERM?






Let's Hope and Pray na hindi umabot sa atin ang Gaza-Israel Conflict, ang Civil War sa Iraq, and Ebola Outbreak sa Africa.  Hindi tayo handa sa mga ganitong krisis,  nagkaubusan  nga lang ng Chickenjoy sa Jollibee nataranta na tayo.






There are rumors  na kahit McDonald ay naki-cooperate na rin sa problema ng Jollibee.  In fact, kanina sa Jollibee Drive Thru, sinalubong agad ako ni Ronald ng ngiti,  para sabihing wala pa ring Chickenjoy.




So kung tatanungin tayo ngayon ng crew sa Jollibee ng "Willing to wait, Sir?" expect natin na araw ang bibilangin natin.





Humingi ng Paumanhin ang Jollibee at sinigurong makakakain ulit ng paborito nilang Thigh part ang mga Pinoy,  at breast part naman si Paolo.









News from Inquirer, Napoles prays 2000 Hail Mary everyday. Actually 10 MILLION Hail Mary dapat yan,   napunta sa 3 Senators ang iba.









Quezon City Mayor Herbert Bautista is in the news, sinampal niya ang nahuling Chinese drug pusher.  Suwerte pa rin ang Pusher, hindi si Maricel Soriano ang dumating.




According to witnesses,  patawa-tawa pa raw ang Pusher kaya sinampal ni Mayor Bautista. Lesson ito sa mga Pusher, wag kayong tatawa na parang Kris Aquino.










Here's bad news, sinabi ni Vice President Jejomar Binay na may impormasyong siya ang magiging manok ng Liberal Party sa 2016 elections.   On the brightside, may dahilan na si PNoy magbuga ng usok sa mukha niya.








Tanggap naman ni Mar Roxas kung hindi siya ang standard bearer ng LP.   Saludo ako kay Mar,  alam niyang hindi kailangang maging Presidente para maglingkod sa tao, at hindi niya kailangan ang SONA para umiyak.



Wednesday, August 6, 2014

COLORUM








Heavy traffic pa rin sa EDSA kanina. Nakakainip. Kahit si PNoy gusto na niyang sindihan si Winston at hithitin sa loob ng kotse.



Palace to meet LTFRB, MMDA over conflicting policies.  Here's my advice,  ngayon pa lang umalis na kayo ng bahay para hindi maipit sa traffic.








Nagsalita na si Paolo. Pero tahimik pa rin ang kasama niyang Girl sa Video Scandal.  I think may magandang manner lang ang girl.  Naniniwala siyang "Don't talk when your mouth is full"


According to psychologist,  may kasalanan din ang girl sa nangyaring Video Scandal. In fact, panay ang spank ni Paolo sa kanya.


Sabi ng may mga duda sa pagkalalaki ni Paolo Bediones, may dalawa daw babaeng allegedly involved sa Video,  yung isa ay si China Roces, yung isang babae ay si, well, si Paolo mismo.


In fairness, may magandang naituro sa atin ang scandal video. Alam nating sa dami ng girlfriends ni Paolo ay may napipisil na siya.








QC Approves half-cup rice ordinance.   Good job, kailan naman kaya ipagbabawal yung ginagawang sabaw ang Gravy sa KFC?








In a Recent interview, inamin ni Q.C. Mayor Herbert Bautista kay Ogie Diaz na mas Prioridad niya ang mga anak kaysa Pag-ibig. In another news, inamin ni Freddie Aguilar na prioridad nya ang Pag-ibig at ang Anak na lang niya halos.








Last night, emotional ang pagkikita ni Deniece Cornejo at ng kanyang Ama. Naramdaman ko ang hirap na nararamdaman ni Deniece,  sobrang higpit yumakap sa leeg ng tatay niya.







Mahirap maging judgmental pero hanga rin ako kay Cedric Lee, laging nakangiti sa camera.  Happy lang o iwas Serious Illegal Detention case?








Finally, umamin si Mommy Dionesia na may BF na nga siya na nakilala  sa Ballroom Party.  Dapat kilatisin mabuti ni Pacman ang Guy lalo na kung D.I. sa Ballroom, baka pinapaikot ikot lang si Mommy.




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...