Thursday, September 25, 2014

MAY PULIS! MAY PULIS! SA ILALIM NG PALDA NI PNOY!






Photo from UNTVWEB
PNP Chief Director General Purisima is in the news.  Allegedly, Nagpatayo ng White House and Rest House.   I guess this is all part of his plan, na alisin ang image ng Pulis sa Beer House.







Optimistic si Senator Grace Poe, inerekomenda sa DILG na pagbakasyunin muna si General Purisima.  Pero mas Optimistic si Purisima,  alam niyang pagbabakasyunin siya kaya nakapagtayo na ng Rest House.








Muling dinepensahan ni PNoy si Purisima and said "hindi ko nakita ang taong ito na naging matakaw!" Hey Mr President, hindi na rin nakikita ni Purisima ang hawak hawak niya pag umiihi.









Photo from VOANEWS.COM
Nagkaisa ang World Leaders,  Celebrities and environmentalists for the  Climate Change protest.   Nakiisa rin  si PNoy,  kahapon, nagbawas siya ng kalahating kaha ng yosi na sinusunog maghapon.









Last week, ipinakita rin ni Vice Pres. Binay ang pagiging Environmentalist,  puro recycled ang sagot niya sa Speech sa issue ng Makati City Hall.









Hindi naging Caretaker ng Bansa si VP Binay sa pag alis ng Pangulo. According to Spokesperson,  para na ring  nasa Pilipinas ang Presidente dahil sa technology. Not only that,  amoy yosi pa rin sa Malacanang.










Sa mga nagtataka kung saan iniipit ni PNoy ang yosi before mag-speech. Nasa opening ang clue,  sisimulan niya sa "Friends, lend me your Ears!"










In Boston, nagkaroon ng chance na mabisita ni PNoy ang dati nilang bahay at nagflasback ang mga panahong binata pa siya.   It was an emotional scene, lalo nung mag fastforward at makita ang sarili na binata pa rin.









Aquino was heckled by activists during a forum at the Columbia University in New York.  On the brigh side,  nagising ang mga nakatulog.









Hot news, Barrack Obama uses coffee cup to Salute Marines, you know what that means,  Kapeng Barracko!








85-76,  panalo ang Gilas sa India!  20-50  sobrang panalo si Ai-Ai kay Gerald!









30 years ang tanda ni Ai-Ai sa bago niyang BF na si Gerald Sibayan.  I think mas matalino ngayon si Ai-Ai, hindi na siya bibli ng kotse  para lang sa lalaki,  Pampers na lang.





Ai-Ai explains na  nainlab siya dahil sobrang magalang si Gerald,  like pag nagkikita sila ay  hindi nalilimutang magmano ng bata.





Marami ang naniniwala na hindi pa talaga dumarating ang true love ni Ai-Ai.  Well, malay natin,  baka naman ipinapanganak pa lang.






Siguro ilang araw lang makikita na rin natin si Ai-Ai and Gerald na may guesting  sa ABS-CBN  show, no, hindi sa The Buzz, - sa Bet On Your Baby.


Tuesday, September 16, 2014

TERRORIST (M)ISIS








Photo from Kickerdaily.com
Malayo na pareho sa  Pilipinas si Typhoon Luis and PNoy. They both have a lot in common.   Parehong umiikot sa bansa, parehong walang asawa.  Although, di hamak na mas mahangin si Pnoy.




Malaking pinsala ang iniwan nito sa ating Agrikultura bago lumabas ng Bansa.  But enough about Noynoy Aquino, pag usapan naman natin ang pinsala ng Bagyong Luis.






Photo from Wikapedia facebook
Sa Madrid, hiniling ni Pangulong Aquino kay PM Rajoy and King Felipe VI na ipagpatuloy ang suporta ng Spain sa Pilipinas sa West Philippine Sea. Gusto natin silang sumuporta ng todo?  Heres my advice;  sabihin natin sa kanila na Chinese ang ninuno ni Jose Rizal.



After ng meeting sa Palacio de la Moncloa, nagpaalam agad ang Pangulong Aquino kay King Felipe VI.   But there was one awkward moment,  nang dahil sa pangungulila ay hindi Viva Espana ang isinigaw ni PNoy - Viva Hot Babes!



Batang Hamog - sila ang lumalapit sa sasakyan mo sa EDSA at kukunin ang pera mo saka nagkakanya kanya na ng takbo - oh excuse me,  Pulis La Loma pala yan!






Nagpacheck up kahapon sa PGH si Atty Gigi Reyes dahil sa pagkakauntog ng ulo sa pader sa kanyang selda. Yan ang maganda sa mga Attorney,  laging ginagamit ang ulo!



Reportedly,   higit 2 oras sa Hospital si Gigi after ng MRI and MRA,   ganon katagal hinanap ang utak sa ulo!



 



Trending Worldwide ang guesting ng KathNiel tandem sa "Be Careful With My Heart".   Sa sobrang lakas, balak na ring ulitin at palitan ang title ng "Be Careful With My Hair!"







Sa Showtime,  humingi ng sorry si Billy Joe Crawford sa pagkakulong niya at nangakong hindi na babalik sa Presinto.  Nagpalakpakan ang audience at nasigawan lang ng "babalik!  babalik!"







This is Goodnews, Master degree holder na si former childstar Serena Dalrymple. Maraming girls na nakapanood kay Serena ang gusto na ring mag-Master. Coincidentally,  marami namang boys na nakapanood kay Paolo Bediones ang laging nagma-master...


Sunday, September 14, 2014

EMERGENCY POWERS







Apparently, hindi tatanggapin ni PNoy ang Emergency Powers. Handang handa siya kung magka-brownout man sa 2015, lagi  yang may lighter sa bulsa.








Congratulations to Floyd Mayweather Jr, nakagawa na naman ng World Record sa Boxing History, hindi man napatulog si Maidana,  lahat ng nanonood sa TV napatulog niya!





The fight was so Boring. Sa sobrang boring tinanggihan na ni PNoy ang Emergency Powers  wag lang mapanood ang next fight ni Floyd sa 2015.




Ano ang sikreto ng tibay ni Mayweather Jr?  He runs three miles a day, and during fight lang yan sa ibabaw ng Ring.





Insomiac ka ba?  ito ang tamang oras para makatulog ng mahimbing. No, hindi dahil sa malamig na hangin ng Typhoon Luis,  may replay ang Mayweather fight mamaya. 









This is interesting, seryoso na talaga ang mga Pulis maging malinis.  In fact, kanina nakakita ako ng pulis na nanghoholdap sa EDSA habang naliligo sa ulan.






Sobrang sama na ng image ng Kapulisan.  Sa isang survey sa QC, tinanong ang sampung bata kung sino ang naniniwala pa sa Pulis.  Isa lang nagtaas ng kamay.  At ang siyam?  may hawak silang toygun at humihingi ng 2 Million sa nakataas ang kamay.








Last week sa Star Magic Ball, nagwala at nagpakulong ng kusa sa Taguig Police Station si Billy Joe Crawford.  I'm thinking, tatakbo kayang Senador si Billy sa 2016 election? nagpapareserve na kasi ng kulungan.





According to Billy,  wala siyang alam sa nangyari that time.   May balak ngang tumakbo,  senador na kung mag-alibi.










Kung guest sana sa Star Magic Ball si Mommy Dionisia,  isa lang ang maipapayo niya kay Billy, - Go to Gil!








During the Senate Blue Ribbon Hearing, former Vice Mayor Mercado revealed na  13% ang kickbacks ni Binay sa mga Projects ng MAKATI.  13? Well  may mga badluck talagang numbers, para yung TV Station na hindi na umangat ngayon ,    Channel 5!






Tingin ko hindi na natin makikita si Binay na makakagala pa sa 2015.  No, hindi siya makukulong,  mauuso lang ang brownout.







Hindi ako superstitious na tao pero pag may nasalubong si Mercado sa daan na itim na Mayor, siguradong mamalasin siya.





Sunday, September 7, 2014

THE GREAT SCAPEGOAT









 It's officially BER Months na,  or as Aquino Allies in Congress calls it "numBER Game!"









Did you catch the PNoy Impeachment hearing last tuesday?  It kind of looked like a basketball game between Gilas and Argentina. Maingay ang laban, maraming foul,  at may dumadakdak ng harapan. 







According to World Health Organization almost 4,000 cases na ang Ebola Virus. Dito sa atin ay nagmamasid din ang taumbayan. The symptoms include Diarrhea, vomiting and ..,  no wait,  sorry,  symptoms yan ng mga nagmasid  sa  Impeachment hearing.








Marami pa rin ang nagtatanong kung ano ang secret ng mga Binay sa pagyaman.  I think ang asenso nila ay parang Midas Touch.  Like si Nancy, pag nahawakan ang simpleng cake. Hindi man maging Gold,  nagiging chocolate cake naman kaya sobrang mahal.









Last week, pinalitan ng PAG-ASA ang pangalan ng isang bagyo,  from Kanor ay ginawa nilang Karding dahil iniiwasan daw nila ang Mang Kanor scandal issue.  Not only that, pinalitan na rin nila ang Mang Kanor collection nila sa office ng Paolo Bediones scandal.








World famous Magician David Blaine will perform on Sept 12 at the Smart-Araneta. Excited ang maraming Pilipino, first time nilang makakakita ng nawawalang pera sa legal na paraan.









Nakilala si David Blaine sa kanyang Street and close up magic.  Naimbita na siya ng mga kilalang tao, Donald Trump, Bill Gates, Bill Clinton. George Bush.  Ironically, hindi pa siya naimbita ng mga kaibigan sa inuman - nawawala daw pagdating ng bayaran.




Illusionist ang style ng magic ni David Blaine. This goes to prove what I thought all along - hindi lang si Kris Aquino  ang  Illusionist sa mundo.








Sharon Cuneta is no longer with TV5! Well, dapat tanggapin ng management na malaking kawalan si Sharon sa TV5,  lumuwag ang Parking Space.




At least hindi naisip ni Ate Shawie na tularan si Robin Williams sa kanyang mid-life crisis issue.  Pero kung gusto niyang mawala sa mundo here's my advice:   "kay David Blaine ka lumapit!"



Siguro isang lesson na rin ito sa TV5,  next time kung kukuha ng malaking artista,  huwag  masyadong literal.




Infairness kay Sharon, humble siyang tao kahit isa na siyang Mega star.  At kahit nuong panahong nasa TV5 ay hindi lumaki ang kanyang ulo,  katawan lang.



Well, nakakasiguro naman  ang management na walang lumaki ang ulo sa empleyado  ng TV5. Kung may lumaki at tumigas man na ulo, 6 minutes lang ang tinagal.








This just in,  according to PhilStar columnist Ricky Lo,  nagresign na si Paolo Bediones sa TV5.  Katulad ni Sharon,  issue rin ang naging  pagkahilig niya sa pagkain.








Hindi pinagsisihan ng 72 Pinoy Peacekeepers ang ginawa nilang kabayanihan ng ma-trap sila sa Golan heights sa Syria - sort of like the Gilas Pilipinas na natrap naman sa Goliath's Height sa FIBA World Cup.







Ipinakita ng Gilas kung paano maglaro ng may puso  - which is true,  mas  nakakaiyak lagi ang ending ng game nila kaysa mga Teleserye.




  

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...