Sunday, August 23, 2015

LOST AND FOUNDLING





Bukas ay may  interview ako kay Sen. Grace Poe.  Tulad niya, iniwan ako sa labas ng simbahan nuong ako ay newborn baby, pero hindi para ipaampon,  para pagtindahin na ng sampaguita.




Kaninang umaga, nasilip ko sa kulungan ang isang Pulis Maynila na bumaril ng malapitan sa Tricycle Driver at umamin na kaya niya ito nagawa ay near-sighted siya.



Bibisitahin ko rin bukas sa PGH ang Suicide Bomber na may identity crisis. Umakyat sa Torre De Manila at binugbog ng mga nagse-selfie sa Luneta dahil isa rin pala siyang Photo Bomber.



Makakausap ko rin sa Hospital ang Chess Master na nabugbog din sa Luneta, nakakatuwang malaman na after 10 minutes ay naka- move on na siya.


inamin naman sa akin ng isa sa Organizers ng Toronto Interntional Film Fest sa Canada na patuloy silang namimili ng best films from around the world.  Lahat ng Basurang pelikula ay nilalagay nila sa Container Van at ipinadadala sa Pilipinas


Later tonight, may interview naman  ako sa Beauty Queen ng Caloocan na nabalitang uminom ng isang Box na Slimming Pills.  Nanalo siya sa talent portion dahil sa kakaibang Pole Dancing, siya ang naging Pole ng dancer.


but first the news...


Speaking at the commemoration of the 76th birthday of FPJ Sen. Poe recalled na puro galis siya ng iwan sa simbahan.  Mabuti na lang daw at may FPJ na hindi nahiyang ampunin siya, at may Susan Roces na hindi nahiyang magtanong ng  RiteMed. 


Inamin ni Sen Grace na kulot kulot ang buhok niya nuong Baby. Luckily for Grace,  isang nanay sa Africa ang naghahanap ngayon ng nawawala niyang anak.


Kung totoo ang sinasabi ni Sen Grace na dati siyang kulot at maputi ng magdalaga,  hindi kaya siya si Michael Jackson?


 
You can always tell the Pinoy Politicians, OA at paawa effect kaya nananalo.  The sad part is,  kaya silang talunin ng AlDub tandem.



In Sports, dumating sa bansa si NBA Star Lebron James at pinagkaguluhan sa MOA lalo na ng ihagis ang sariling niyang jersey. Magandang gimik ito para sa kampanya,  puwedeng gayahin ni Binay,  hubarin ang damit at ihagis ang sarili niya sa mga tao.



According to James,  nakaka-relate siya sa mga batang pinoy dahil dumaan din siya sa hirap bago naabot ang kanyang tagumpay sa buhay. Not only that,  kulot din daw ang hair niya nung baby.




Lea Salonga reacts to “Patola Queen Tag” dahil sa pagpatol sa twitter bashers. When reached for comment, Lea said, “mas masarap kasing kasama sa almusal  ang ALASKA ng mga bashers!”





5 comments:

  1. hay sir.... napasaya mo na naman ang araw ko! :) right on target

    ReplyDelete
  2. Natawa ako dun sa kayang talunin ng albud ang mga politicians

    ReplyDelete
  3. Nakakatuwa naman tong blog mo, puro realism, syanag hindi ko inabot yung kay BINAY sa last post mo, hahahaha. :) Well acually bet ko siya pero after ng INC incident, eh bigla ata akong na pa Mar na sa totoo lang ayokong iboto dahil sa tsinelas ni koring! hahaha.

    ReplyDelete
  4. I have just downloaded iStripper, so I can watch the hottest virtual strippers on my desktop.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...