Tuesday, September 15, 2015

RATED HPG (HISTRIKTONG PATROL GROUP)





As you probably know, lumuwag ang Traffic sa mga Chokepoints sa EDSA dahil sa Highway Patrol Group na pumalit sa MMDA Enforcers. Inalis nila ang mga nakahambalang  na sanhi ng malaking Traffic, na mga MMDA Enforcers din mismo.




Accroding to Noli De Castro, walang ginagawa sa EDSA ang MMDA Enforcers kundi ang kumaway kaway lang sa mga Drivers.  On the bright side,  may kalalagyan naman pala ang mga talunan sa Ms. Philippines.
  

Mamayang uwian,  dadaan ako sa Malate, Manila at mamimick up ng  babae, walang  malisya,  carpooling lang.





Dahil sa paglapit ni INC Member Isaias Samson kay DOJ Sec De Lima nagrally ang INC sa araw mismo ng Birthday niya.   Well, mabibigo kayo INC.  Alam kong matigas si De Lima,  napatunayan niya yan habang nagsasayaw ng Macarena.





Pinagbabaril ng gunman ang coffee Shop ni INC Member and DZMM Broadcaster  Anthony Taberna. Ramdam ang kaba kay Anthony at  hanggang ngayon ay inaalam pa rin ng pulisya kung sa tama ba ng bala or sa tama ng kape.






Enrile returns to Senate,  nanibago siya.  Tulad nung First Day, pinatatangal  ang Fossils  sa wall, then someone told him,  “Sir, salamin yang hawak mo!”







Grace Poe to declare Presidental bid on Septermber 16. Kaya  naman pala napapadalas ang kaway niya sa mga tao.  Now my question is:  MMDA enforcer kaya ang totoo niyang magulang?




Earlier this month, Customs Commissioner Bert Lina says sorry over Balikbayan Boxes.  Actually naiintindihan ko si Lina. minsan na rin siyang nagulat sa laman ng isang  Balikbayan Box - isa itong Jack-in-the-Box.




According to Forbes Magazine,  Henry Sy remains the country's richest for the 8th consecutive year.  Apparently,  bibili na rin siya ng dagat at tatawagin itong West Philppine Sy.




Pinagiingat ng Malacanang ang lahat sa Fake Money na may nakangiting mukha ni Mar Roxas.  Madali lang daw makikilala ang Fake sa Genuine. Ang mukha ni Mar sa fake ay totoo ang ngiti, while yung totoong Mar ay may fake na ngiti.
 


In Showbiz news,  nag-kiss and make-up na si KC and Piolo. Marami ang natuwa at marami rin ang nagtatanong kung  sino sa dalawa ang nag kiss at kung sino ang nag make up lang.
 




2 comments:

  1. i love itttt.... u never failed to make us smile sir! :) more pa....

    ReplyDelete
  2. Lolz Cery! Thank you sa pagbisita! ingat ka dyan..

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...