Friday, September 18, 2015

TATAKBO NA POE



Finally,  Sen. Grace Poe declared her candidacy for President in next year’s national elections.  It was an emotional scene, grabe iyak ni Mar.





Nang mga oras na yon, panalangin ng lahat na huwag sanang bumagsak ang ratings ni Grace,  at  huwag ding bumagsak ang lalaking naghuhulog ng confetti






May Bagong Umagang Darating  ang  campaign music ni Grace at maraming supporters ang umaasa dito.  in fact,  sa haba ng speech umasa silang aabutin sila ng bagong umaga sa U.P.








Nangako si Sen Grace na Itutuloy niya ang nasimulan ni FPJ. Dito nagsigawan ang lahat ng artista,  mukhang may part 2 ang Movie na “SIMULAN MO! TATAPUSIN KO!”



Ipinangako rin ni Sen Grace Poe na aayusin niya ang OA na traffic. I think I speak for all Pinoys when I say, “OA ka na sa Pangako!”



Nagdeklara na rin si Chiz Escudero na sila na ni Grace ang magkatandem sa 2016.   Ito na ang pinakamasaya at pinakatanggap ng buong Pilipino since magdeklara sila ni Heart na sila na.







Sad news,  ipinasok sa Hospital si Sen Enrile dahil sa Dengue.    See?  Kahit ang lamok ayaw pumayag lumabas ng Hospital ang Senador.






A Strong El Nino is here,  naghanda na ang Pamahalaan. Kahit si Grace Poe, Escudero at Binay maagang naghanda,  nasa likod  agad sila ng INC habang nagrarally para makasilong na.






Ramdam na ang sobrang init sa Manila,  to give you an idea how hot it is,  pabor na ang commuters mabutas ang bubong ng bagon ng LRT  para sa konting hangin.
 



Grabe init,  kahit ang mga Senators nagkasundo na hindi magbabatuhan ng Putik ngayon sa Senado,  Ice-Tubig na lang.





Sobrang init kahit ang mga Militanteng Grupo gustong magrally ng walang permit mabomba lang ng tubig mula sa firetruck.






  

Sobrang init,  kahit ang MMDA Enforcers ay ibinalik ng HPG sa EDSA. Magamit lang na pamaypay ang  pagkaway kaway nila.



  
Grabe init,  kahit si Grace Poe gustong ulitin ang Declaration sa Pagkapangulo para lang bumaha na ng luha galing sa LP.




In showbiz news,  si Cesar Montano na ang papalit kay Robin Padilla sa movie with Maria Ozawa kaya tuloy na ang “Nilalang”  sa MMFF.  Nakakapanghinayang talaga kung hndi matutuloy ang movie,    minsan ko lang mapapanood si Maria ng hindi ako nag iisa at hndi mahina volume.


Well, ang totoo walang pagkakaiba kung sa loob ng Room or sa Cinema ko panonoorin si Maria Ozawa, pareho namang patay ang ilaw.


Masaya si Maria dahil may nakahandang kapalit ni Robin.  Actually,  kung hindi kikita ang “Nilalang” ay may ready ring kapalit na title, at tatawagin itong  “Nilalangaw”

  

In other news, Pinatawan ng Disbarment si Atty. Ian Raymond Pangalanan dahil sa sobrang pambababae. Magandang simulain ito na tanggalan ng trabaho ang lahat ng babaero,  the downside is baka si PNoy na lang matirang may  trabaho sa Gobyerno.


Kahit may sariling asawa, pinagsasabay sabay ni Atty Pangalangan ang mga Babae, dalaga man o may asawa.  Kung totoo ito, mali nga ang piniling Career ni PNoy.




Nagbabala muli ang Maynilad ng Water Interruption dahil sa El Nino Phenomenon.  Ngayon pa lang naghahanda na ang publiko sa pagkawala ng tubig.  In fact, kanina lang nagiipon na ng chewable Viagra si Atty Pangalangan.

4 comments:

  1. HAHAHA Basag na basag ang balita senyo! Ang galing nyo talagang umanggulo. Lagi pang may bagong supresa :) Master gawin mo kong alipin..hahahaha

    ReplyDelete
  2. Ahahahaha! Grabe! I always have fun reading your entries.

    ReplyDelete
  3. HAHAHAHA! Natawa ako dun sa bobotasin yung bobong ng bagong LRT. Nakakatuwa at nakakatawa naman po nitong blog mo sir. Aabangan ko parati mga post mo :D

    ReplyDelete
  4. Hahaha. Natawa ako kay Maria Ozawa at kay Grace Poe.

    I remember one day habang nagfe-facebook ako, may nabasa akong blog post saying:
    "Ano ba ang pinagsasabi ni Poe na ipagpapatuloy niya raw ang nasimulan ni FPJ? Magpapanday din ata 'to?"

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...