Thursday, October 29, 2015

MAGTANIM NG BALA AY DI BIRO





philstar.com
According to a disturbing new report, the cost of damage to agriculture in areas affected by Typhoon Lando has risen to P6.4 billion with the rice subsector sustaining the most damage.  Good news is hindi naapektuhan ang mga nagtatanim ng bala sa Airport.






Inaresto  ng Airport Authorities ang  56 yr old OFW na si Gloria Ortinez dahil nakitaan ng isang Bala sa hand carry bag.  Ironically, ang Bala ay pinaniniwalaang Anting-Anting at proteksyon sa mga masasamang Authorities.






Last Saturday, makapal na ang haze sa Visayas and Mindanao. Department of Health said, dapat huwag lalabas ng bahay ang tao.  Malacañang said, dapat magsuot ng face masks.  Showtime host said “Dapat hinipan natin papuntang Phil Arena para di  nagkita-kita ang fans!” 







Siniguro naman ni Sec. Coloma na hindi makakarating sa Luzon ang Haze kaya walang dapat ipangamba ang taga Metro Manila... and he went on to say “Wag matakot, mas makapal pa diyan ang nararanasan namin during Yosi Break ni PNoy!”








scoopnest.com
Malapit na ang Araw ng Patay! or, as Jejomar Binay calls it,  “ My Presidential Ambition Day!”








philstar.com
Monday pa lang ay ikinalat na ang MMDA Clearing Group para tumulong maglinis ng mga Sementeryo.    Alam mong dating traffic enforcer ang naglinis dahil may nilagay na sign  “BAWAL TUMAWID MARAMING PATAY!”






Senators Grace Poe and Chiz Escudero formally endorsed the senatorial bid of Atty. Lorna Kapunan.  When asked why she would run for Senator, Kapunan said “parang bumibili ka ng Sweepstakes Ticket. You will never win lottery kapag hindi kayo bumili ng ticket,”   In short,  bobolahin tayo ni Kapunan linggo-linggo.







cnnphil
It has been reported that Binay and Chiz met at a restaurant in Davao City.   Inaalam pa kung kinamayan ulit ni Binay si Chiz o kinamay ulit ni Binay ang food.







rappler.com
According to Binay, “we didn’t talk Politics!”  Sources say National Issue pa rin naman ang topic.  My guess,  AlDub Nation!






n
cnnphilippine.cm
Late si Grace Poe sa Philippine Business Conference  na dinaluhan din ng 3 pang Presidentiables at inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry.  Today isa pang invitation ang natanggap ni Grace mula naman sa supporters niya, ito ang Philippine Chamber of latecomers and Industry.



4 comments:

  1. mahirap talaga mag tanim ng baka, ang hirap ma-munga lolz

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mukhang namumunga na nga Rix haha. Sino kaya ang Puno?

      Delete
  2. I was perturbed by the bullet-planting scam at the Ninoy Aquino International Airport. Grabe naman yung mga gumagawa niyan, di na naawa sa mga biktima nila makakuha lang ng extra income. Tsk tsk.

    Buti na lang napasaya niyo na naman ako sa post niyo especially dun sa second one :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sign na nga siguro na malapit na ang Pasko, wag ka muna mag aabroad ha..

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...