Saturday, October 17, 2015

Pangulo o Pang-gulo?






Last Day kahapon ng filing for CoC,  napansin nyo ba ang mga gustong tumakbong Presidente? May Nuisance na sira ang ulo,  may Miriam na sira ang Baga,  at may Binay na sira ang pagkatao. 





Day 1 pa lang nag-paalala na si Comelec Chairman Bautista na huwag gawing Circus ang filing ng CoC!  I agree, bigyan naman dapat talaga ng karangalan ang Circus.







Malalakas ang tandem na nag-file sa Comelec.  Nag-file si Mar kasabay ni Leni, si Binay kasabay ni Honasan, at si Miriam kasabay  ni Typhoon Lando.






Pinandigan ni Miriam Santiago si Bongbong Marcos bilang running mate. Perfect tandem!    Isang may Stage 4 cancer at isang may stage mother.






In a recent interview,  hinamon ni Alfredo Lim ng takbuhan si incumbent Mayor Erap Estrada, naghamon naman si Erap ng Boxing kay Lim.  Takbuhan vs Boxing? Ano ito, laban ni Mayweather and Pacquao?









Playboy Magazine to end publishing fully nude female.  I think last year pa nagkakagulo ang staff, nang magsabi si Nancy Binay na she’s willing to pose nude.







Last Week,  nag walk out ang crowd sa Cebu Coliseum as soon as the Vice President began his 15-minute speech.  You can tell Binay’s getting desperate because today he gave a speech entitled “Hey, guys, ang tatayo sa upuan iihian ko!”






This is true, if Vice President Jejomar Binay’s life will be made into a film, he wants Alden Richards to play the lead role.   As of today, no comment pa rin si Yayadub.






Binay also said that if he wins the 2016 presidential race,  gagawin niyang National Artist si Nora Aunor.  To which Nora Aunor yelled back,  “Walang himala!”







Vice President Jejomar Binay attends the Mass at San Agustin church in Manila before filing his COC.  As a result, nag walk out din ang mga Rebulto sa loob.




Nasundan nyo ba ang mga nag hain ng CoC sa Comelec? Isang  Lucifer ang nag file din at gustong tumakbong Pangulo,  but enough about Binay, pag usapan naman natin ang mga Nuisance Candidates.







In other news, sunod-sunod ang raid ng NBI sa mga areas kung saan maraming mga drug addict,  bad news is nakatakbo ang ilan at  nagfile  na ng COC for President.







On Wednesday, nagpakalbo si Sara Duterte bilang suporta sa pagtakbo ng Ama sa Presidential race.  Im thinking to myself,  nagpakalbo?  Hindi kaya si Sara mismo ang gustong pumalit kay PNoy?







Last night, nagbigay ng Weather Update si PNoy.  Inereport din nya kung gaano kahanda ang pamahalaan.  Ngayon alam na ng mga tao ang mga dapat gawin. Not only that,   alam na rin natin ang susunod na career ni PNoy.





Bye for now guys,  stay at home,  ingat sa Bagyo.  Let’s Pray na si Typhoon Lando ay hind maging Yolando.


6 comments:

  1. medyo na cardiac ako dun na nagfile ng COC na taga-intergalactic Earth lolz

    ReplyDelete
  2. hehehe kakagulat talaga ang mga Pinoy hindi na nakakapagtaka Rix...lolz!

    ReplyDelete
  3. Grabe ang tawa ko dun sa mga siraulong nag-file ng CoC.

    ReplyDelete
  4. Lolz saan nga kaya nanggaling ang mga yan? Mga professional nuisance na sila.. every 7 years lang sila sumusulpot.. Lolz!

    ReplyDelete
  5. Ang dami pa ring lamang bagong ideya ang utak mo sir!
    Napapangiti mo pa rin kami. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you sa ngiti at comment at pagbisita Iimarx214!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...