Thursday, October 1, 2015

PORT ARBOR





On aug 20, nahuling inaarbor ni Virginia Torres sa customs ang 64 containers of misdeclared Thai Sugar.  I think may sakit din si Virginia at ayaw lang ipahalata. Ayaw niyong maniwala?  check nyo rin ang kanyang misdeclared Blood Sugar.



Si Virginia Torres ay ex-LTO Chief at kabilang sa mga nakikinabang pa rin sa pamahalaan,  in short ex with Benefits.







Sinasabing si Virginia ay kaibigan at dati ring kabarilan ng Pangulo.  See, wayback then baril na lang talaga ang pumuputok kay PNoy.




Showtime host Coleen Garcia kumuha ng Psychology course.  Smart move. Marunong magplano ng future si Coleen.  Darating ang araw kailangan talaga ni Billy ng Psychologist.
  






Hiniling ni Chief Justice Sereno sa mga telephone companies na gumawa ng paraan para mapabilis ang internet speed sa bansa. Yan ang pagmamahal sa bayan,  di baleng mabagal ang Justice System wag lang internet.







NASA says Planet MARS appears to have flowing water, making it possible na mabuhay daw ang tao.   Well, sa sobrang dalas ng water interruption,  kahit walang tubig sa MARS mabubuhay ang Pinoy.









The minimum distance from the Earth to Mars is about 54.6 million kilometers.  Aabutin ng ilang taon bago makarating ang future travelers,  here’s my avice:  para makuha ng 15 minutes kunin nila ang mga kaskaserong bus driver sa Commonwealth  Ave.



 




You know what i never understood? kahit panay ang ulan at bagyo mawawalan pa rin ng supply ng tubig ang Maynilad sa ilang bahagi ng Metro Manila na aabot ng 20 hours.   The question I have is:  saan nyo ba dinadala ang tubig?  Sa MARS?






Nalipat sa Oct 5 ang announcement ni MAR ng kanyang VP.  I think ito talaga ang perfect na araw para kay Mar.  Octoberfest na,  kung magback-out si Leni Robredo,  may dahilan siyang magpakalunod sa alak.






 
Last week,   nagsalita si Sheryl Cruz na hindi niya susuportahan ang pagtakbo ni Grace Poe.  Marami ang nagulat at hindi makapaniwala,  buhay pa pala si Sheryl Cruz !



 
According to Sheryl Cruz,  pinaalis siya sa presscon ng Felix Manalo The Movie kaya gumawa rin siya ng sarili niyang presscon.  Maiintindihan ko kung hindi siya pakinggan ng INC Members, hindi sila naniniwala sa Cruz.
 







Nirerespeto naman ni Grace Poe ang opinion ni Sheryl at nalungkot lang siya dahil sa issue ng DNA,  or as Rizalino David calls it,  Dapat Noon pa Ate!




Overheard sa isang Ambush interview:




Reporter:              Sir  sino na po ang kukunan nyo ng DNA
                               para makilala  na  ang Biological Mother
                               ni Grace?





 Spokesperson:     SONORA!



 Reporter:             Sir,  ayaw ni Sheryl ipa-DNA si Rosemarie
                               Sonora!


Spokesperson:     SONORA AUNOR na lang kung ayaw nila!





5 comments:

  1. Nyahaha natawa ako sa part ni Sheryl Cruz

    ReplyDelete
  2. Mabangis talaga ang punch kay sheryl cruz..hahahah di ako nagsasawa sa atake mo boss..hahahaha taob ang balita

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa walang sawa mong pagdaan at enjoy din ako sa blog mo Ben!

      Delete
  3. Ang galing niyo po as ever. I really love how you used sarcasm, metaphor and other figures of speech in a humorous way. Entertaining at may laman at the same time.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...