Saturday, November 21, 2015

LOVE and APECtion







Dahil sa Paris Terror Attack, tinodo na ng AFP-PNP ang kanilang intelligence para sa APEC Summit.  So maiintindihan natin ang mga sagot ni Alma Moreno sa interview ni Karen Davila, naubusan na siya…








Binanggit ni Alma kay Karen na humingi siya ng sign kay Lord kung patatakbuhin siya for Senator.  I heard babalik siya sa acting career pag hindi pinatakbo ,  so pinatakbo na lang siya.






There are rumors na bukod sa acting ay ibabalik din Alma ang paghuhubad sa Movie pag hindi siya tumakbo.  As a result, pati si Vandolph binigyan din ng sign.







It was reported this week na lumuwag ang mga kalsada. Nawala ang Traffic sa EDSA dahil sa APEC.  Coincidentally, Nawala ang mga nakatira sa Paranaque dahil kay Alma.








Dahil din sa APEC,  nakatikim ang World Leaders ng masasarap na pagkain, at first time na magandang trato sa Pamahalaan bukod sa 4000 Pesos na take home. No wait sorry,  I was thinking of street dwellers.








In Pasay City, bumagsak ang Arko na may Signage na Welcome Delegado,  Ang signage ay inayos agad at mababasa na ngayong welcome delikado.









Last week, itinanggi ni Grace Poe ang Email na magwiwdraw na siya sa Presidential race. Naniniwala naman si ERAP na galing ito sa kalaban dahil may nabasa siyang YAHOO.









Earlier this month, ipinasilip sa Victoria’s Secret Fashion Show ang inaabangang Fantasy Bra worth $2 MILLION. In a related story, inaabangan na rin ng kalalakihan kung kalian naman ipapasilip ang tinatakpan ng Bra.








2 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...