Sunday, November 22, 2015

SUNDAY HUGOT FILES: MGA PAYONG HULUGAN




Year 2011,  maraming nagkamaling komunsulta sa aking lumang Blog (Bart Attack) ng kanilang personal na problema. Ang iba ay gumaan ang kalooban, ang iba ay lalong nagulo ang mundo at nagpakalayo layo. Ang mga sumusunod na  liham ay re-post from Bart Attack files,  ito  ang mga napulot nilang payo mula sa akin, at sana’y may mapulot din kayong aral.. (ako kasi wala).








Dear Rolf,

Sexy dancer ang GF ko sa isang Bar, pinatitigil ko na siya sa pagsayaw dahil may trabaho naman ako.  Kaso, matigas ang ulo niya, at patuloy pa ring nagsasayaw.  Ano ang gagawin ko?  Nalulungkot ako.



ROLDAN, Olongapo City
                                               


Roldan,

Tama lang na patigilin mo na siya sa pagsasayaw.   Hindi yan disenteng trabaho bukod sa puwede pa siyang magkasakit dyan.   Huwag kang susuko na kausapin siya at ipaglaban ang tama.

Huwag ka ring malungkot,  ang totoo suwerte ka pa rin, matigas man ang ulo ng GF mo,  malambot naman ang katawan niya.



ROLF










Dear Rolf, 

Isang OFW ang Mister ko at uuwi na siya next week,  kaso nabuntis ako ng ex-BF ko na kapitbahay ko. Paano ngayon ito? Wala akong mukhang ihaharap sa mga tao.  At bubugbugin pa ako ng Mister ko pag uwi niya,  ano ang gagawin ko?


LOURDES, Capaz Tarlac




Lourdes,

Tanggapin mo ang consequence ng kasalanan mo.  Walang ibang dapat managot niyan kundi ikaw mismo..   Gawin mo ang makakaya mo para makapag usap kayo ng mahinahon.

Kung saktan ka niya at bugbuguin ay hayaan mo na, at least may mukha kang ihaharap sa mga tao,  dahil siguradong mainghihiram ka ng mukha sa aso.



ROLF










Dear Rolf,

Greetings! I'm 16 years old,  and i'm in love sa isang guy na mas matanda pa sa Papa ko... siya si Alejandro and  88 na sya.  dapat ko ba siyang ipakilala sa parents ko? Magtatagal kaya kami?



SANDRA, Sta Ana Manila




Sandra,

Sana ay siguraduhin mo muna yang feelings mo kung love  o infatuation lang.   Baka may katangian lang siya na gustong gusto mo.  Hindi ko masabi kung ano ang magiging reaksiyon ng parents mo pag nakilala nila  ang BF mo.

Hindi ko rin masabi kung magtatagal kayo.  Ang dapat mong alamin kung magtatagal pa siya sa mundo.


ROLF









Dear Rolf,

Isa akong  Caregiver sa Binondo, may gusto sa akin ang amo kong Chinese, natatakot ako, gusto ko ng tumalon sa bintana. Nasa 3rd floor ang unit ng Condo ng Amo ko. Tama ba ang iniisip ko?



JOCELYN, Sta Cruz Manila





Jocelyn, 

Wag mong gawin yan, kasalanan yang iniisip mo,  Isipin mo ang mga maiiwan mong nagmamahal sayo.

Mas mabuti kung tumawag ka muna sa Police Station, tapos saka mo sabihin na abangan ka nila sa ground floor para pagtalon mo ay may sasalo.


ROLF









Dear Rolf, 

Paano kaya ako mananalo sa Beauty Contest? 15 times na akong sumasali sa iba't ibang contest pero lagi akong bigo.  Ano kaya ang kulang sa akin? Puwede ko kayang bilhin na lang ang boto ng mga Judges para manalo ako?  Ano sa tingin mo?


GENILYN, Angono RIZAL




                                   
Genilyn,

Sa alinmang beauty contest ay laging may nananalo at may natatalo.  Dapat ay hintayin mo ang pagkakataon mo.   

Isa pa, hindi tamang bilhin mo ang boto ng Judges dahil natalo ka lang ng 15 times.   Siguro ang  dapat na bilhin mo ay salamin, tingin ko yun ang kulang sa bahay nyo.



ROLF








Dearest Rolf,

Isa ako sa Milyon Milyon mong tagasubaybay sa BLOG mo, ang problema ko ay wala akong kaibigan,  3rd year college na ako sa UP Diliman pero kahit minsan ay wala akong naging bestfriend,  may problema ba sa akin? 



LORNA, Fairview QC





Lorna, 

Salamat sa pagsubaybay mo,  unang-una, wala pa sa 100 ang friends ko dito,  yung isang naka add sarili ko pa. Lorna para magkaroon ka ng kaibigan, dapat wag kang plastic...


Saka dapat marunong kang magbilang.. college ka na eh... Masscom ka ba?

ROLF










Dear Rolf, 

Hi,  49 yrs old na ako at dalaga pa. Bakit ganon? Bakit walang pumapansin sa akin?



MELBA, Guadalupe Makati










10 comments:

  1. HAHAHAHA sir. penge naman ng link nyang luma nyong blog :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lolz di ko na ginagalaw yung blog sa dami yata ng virus pero parang nakita ko name mo na naka add ... di bale every sunday mag post na lang ako ng lumang materials. na save ko naman sa laptop yung iba...tnx

      Delete
  2. Grabe!!! Hahaha :) Ang 'hard' ng ibang sagot pero 'pak na pak' pa rin :)
    Panalo yung huling komunsulta! Wala ngang pumansin lols

    Mas nakakatawa at nakakaaliw pa 'to sa 'Stupid is Forever'
    Maglabas ka rin ng libro mo sir Rolf!

    In fairness, now ko lang napansin sa ibaba ng iyong blog ang 'Thought Decay' havey! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tnx Jep oo nga sana nga mapublish ko sa book kasi inaagiw lang sa laptop haha..

      Delete
  3. SIR ROLF....u made my day...had to translate it to my indian colleague...andaming tawa...:)

    ReplyDelete
  4. HAHAHAHA sir Rolf. Panalo sa akin yung "may problema ba sa akin? "..Sumbungan ka na ng bayan ngayon..hahahahaa

    ReplyDelete
  5. Hahahaha. Ang harsh naman ng "dapat na bilhin mo ay salamin". Ang galing niyo po palang mag_advice haha. So dapat pala next time sa'yo na ako hihingi ng advice patungkol sa buhay man o pag-ibig.

    ReplyDelete
  6. Hahahaha! Natawa ako sa mga tanong, lalo na sa mga sagot. 'Di ko alam kung seryoso pa ba sila.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...